Therese Malvar, hindi inakalang may mga kaedad niyang pilit pinagtatrabaho

Therese-MalvarMASAYA RAW ang 1st CineFilipino Film Festival Best Actress para sa pelikulang Ang Huling Cha Cha ni Anita na si Therese Malvar dahil sa magagandang proyektong nakukuha niya like Tumbang Preso mula sa direksyon ni Kip Oebanda na mapapanood sa Oct. 08, 2014.

“After Ang Huling Cha Cha ni Anita, kasama po ako sa Tumbang Preso na isinulat at idinirek ni Direk Kip Oebanda. ‘Yung  first movie ko kasi, ‘yung Ang Huling Chacha ni Anita is about lesbianism, it’s a serious topic pero in a light and comedic way. Pero itong Tumbang Preso, parang thriller/serious, tapos may lesson po talaga. Pero both of them, what’s in common, parang it’s made me open my eyes, kasi pareho silang sensitive ‘yung topic. Kaya parang nabuksan ‘yung mata ko sa real world, real problems in terms of sexuality and human trafficking and force labor.

“Masuwerte lang po ako at magaganda ‘yung mga movie project na napupunta sa akin, na kapag napanood ng mga tao, they will learn something sa pelikula.

“Habang ginagawa nga namin ‘yung Tumbang Preso (Stroy of Human Trafficking), nagugulat ako kasi parang unbelievable. Kasi nu’ng bata pa ako, nagdo-drawing lang ako, free akong maglaro, everytime I want. Nakakakain nang maayos, nakakapanood ng TV, maganda ang buhay walang ibang iniisip.

“Tapos ‘yung ibang bata pala, as early as 4 or 5, nagwo work na. Kumbaga, puwersahang pinagtatrabaho na force labor, kaya parang nawala ‘yung childhood nila, nakakalungkot talaga.

“Thankful talaga ako na maganda ‘yung life ko na may pagkain araw-araw na hindi ko kailangang magtrabaho para makakain lang, masuwerte talaga ako.

Lesson? “Siguro be content and happy of what you have and don’t complain also. Kasi kung nagko-complain ka kung mabagal ‘yung Internet, samantalang ‘yung ibang bata hindi sila nagko-complain, kasi wala sila nu’n. Tapos wala na silang makain, nasa kalsada na sila, tapos pinagtatrabaho sila kahit ayaw nila pero wala silang laban.

“Marami talaga akong natutunan sa movie, mga bagay na hindi ko alam at hindi ko ini-expect na meron palang ganu’n,” pagtatapos ni Therese.

Winners ng UniSilver Time Campus Ambassadors

 

NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na first UniSilver Time Campus Ambassadors of the Philippines 2014 na ginanap sa SM Manila, hatid ng UniSilver Time at RDH Entertainment Network at sa pakikipagtulungan ng Royqueen Gadgets, Kokuryo, RHTV, Sundance, Cali Burger, atbp.

Nagwagi bilang Male Ambassador si Charlie Rick Sheen Florez (Our Lady of Fatima University), at runner-ups naman sina Lordyan Cheung (Philippine College of Criminology) – 2nd; at Jerome Olidana (Colegio De San Juan De Letran) – 1st.

Wagi naman bilang Female Ambassador si Bianca Mae Hernandez (Lorenzo Ruiz De Manila School), samantalang 2nd runner-up si Darla Roces (Southwestern Luzon Maritime Institute Foundation), at 1st runner-up si Princes Castaneda (Our Lady of Fatima University).

Dumalo naman ang mga big boss ng UniSilverTime na sina sir King Go with Ma’am Michele Go at Sir William Ong. Habang nagbigay naman ng saya at aliw ang celebrity endorsers na sina Juan Direction, Martin Escudero, Joshua Dionisio, Derrick Monasterio, Ken Chan, at UPGRADE.

Nagsilbing hurado naman ang TV5 Princess na si Ritz Azul, Martin Escudero, Ma’am Michele Go, isang miyembro ng Juan Direction, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleTapatan ng Future Brides
Next articleSharon Cuneta, nakadidismaya nang panoorin

No posts to display