NAGING MALAKING bahagi raw ng pagiging singer ng tinaguriang Soul Master na si Thor Dulay ang mga awitin nina Gary Valenciano, Martin Nievera, South Boarder, Lani Misalucha, Stevie Wonder, Bryan McKnight, Boyz 2 Men, John Legend, at James Ingram.
Tsika nga ni Thor, “Bata pa lang ako ay fascinated na at mahilig na ako sa Black artists. Paano kaya nila ginagawa ‘yung kulot-kulot? Ganu’n.
“For example, ‘yung unang bili kong tapes na Boyz 2 Men, ‘pag inaral ko ‘yan, kunwari “Song for Mama’ ay hindi ako magmo-move on sa isang song, kung hindi ko naaral nang todo-todo. Ganu’n kasi ako sobrang perfectionist.”
At sa kanyang first major concert sa July 17, 2015 sa Music Museum entitled “Thor Soulful Concert 2015″, hatid ng Aqueous Events Management ni Sir Vince Jeremiah Abasolo, ipamamalas ni Thor ang kanyang husay bilang singer/ performer.
ParangNormal Boys, makabagong Guwapings
GUWAPINGS OF 2015 at successor ng sikat na sikat noong dekada ‘90 at original na Guwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at Eric Fructoso ang TV5’s newest teen actors na sina Ryle Paolo Santiago, Andrei Garcia, at Shaun Salvador na mapanonood simula July 11 (Saturday), 8 p.m. via ParangNormal Activity ng Ideal First Company at TV5.
Katulad ng original Guwapings, oozing sa kaguwapuhan at talento sina Ryle, Andrei, at Shaun na tiyak na kakikiligan at mamahalin ng mga manonood.
Kasama ng Guwapings ng makabagong panahon sina Ella Cruz, Joshua Joffe, Nico Nicolas, Jester Hernandez, Ryan Yllana, Rubi Rubi, at Mystica mula sa mahusay na direksiyon nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana.
John’s Point
by John Fontanilla