NAKAKATUWA na after almost two years ay nakukuha na ng romance-drama movie na ‘Through Night and Day‘ ang appreciation at recognition na ipinagkait sa kanila ng mga sinehan noong ipinalabas ito noong 2018.
Ang ‘Through Night and Day’ ay pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis na ishinoot sa Iceland. Ang bongga ng backdrop, di ba?
Ilang araw na trending sa Twitter ang pelikula at marami na rin ang nagpost sa Facebook ng kanilang realizations after watching the film. Masaya si Alessandra de Rossi dahil siya ang nagbuo ng kuwento ng pelikula. Graciously ay sinagot niya ang mga katanungan ng netizens sa Twitter.
Narito ang ilan sa revelations ni Alessandra de Rossi tungkol sa paggawa ng ‘Through Night and Day’:
Ako dapat magsusulat ng TNAD dahil buo naman na yung kwento sa isip ko. Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako doon, di ko magawa! Pinasulat ko kay @noringai dahil idol/mentor/bff ko sya. Sabi ko, ako nalang magdidirek! Go girl!
Noong nabasa ko yung script ni @noringai, na pressure ako. Masyado akong nagandahan, 100x better sa kaya kong gawin, dahil di ako writer.
Hindi talaga kaya pagsabayin lahat. Im happy na wala akong pressure during the shoot. I’m happy we picked the right people. Thank you God for bringing us all together. Salamat at worth it yung pagpapakalbo ko. Kasi 4 lang nanood sa cinema. Salamat sa lahat ng nanood ngayon.
Ang isa pang nakakatuwa ay ang pagtrending din ng pelikulang ‘Ang Pangarap Kong Holdap’ sa Netflix na pinagbibidahan ni Paolo Contis with Jerald Napoles, Pepe Herrera at Jelson Bay. Isa rin si Alessandra de Rossi sa creative producers nito.
For sure na in the coming days ay marami pang rebelasyon sina Alex at Paolo tungkol sa kanilang pelikula na minamahal ng madlang pipol ngayon. ‘Through Night and Day’ ay trending ito. Nakakatuwa kahit nakakaiyak ang ending!
Congrats Alex and Paolo!