PERSONAL kong nagustuhan ang pelikulang Through Night & Day na bida sina Alessandra de Rossi at Paolo Contis. Napatawa ako ng pelikula na kuwento na binuo ni Alex (palayaw ni Alessandra). Pina-in love ako. Kinurot at pinalungkot.
Maganda ang obra ni Direk Ronnie Velasco na produced ng Viva Films. Maiinlove ka. Tatawa ka. Sasaya ka. Malulungkot ka. Iiyak ka na sa ending ng pelikula ay maaapektuhan ka sa kuwento ng pagmamahalan nina Jen and Ben played by Alex and Paolo Contis respectively.
Isa ang Through Night & Day sa mga pelikula na dapat huwag palampasin ng mga manonood. Sa dinami-dami ng mga pelikula ngayon na naglalabasan na dalawa lang ang mga main characters na tumatalakay ng iba’t ibang klase ng pag-ibig, ang kuwento ng pag-ibig ng mga na karakter na ginagampanan nina Alex at Paolo ang pelikula na hindi ko palalampasin.
Suwerte ko dahil bago naipalabas last week (November 14 nagsimula mag-showing ang pelikula) ay napanood ko ito during the red-carpet celebrity premiere.
Sa katunayan mas gusto ko ang pelikula nina Alex at Paolo kaysa doon sa pelikula ni Alex at Empoy marquez na na-bore ako.
Kung paniniwalaan mo ang mga reviews (from film reviewers and critics) lalo na ang opinyon ng mga netizens na naapektuhan ng pelikula tungkol sa pag-iibigan ng dalawang nilalang na nagbakasyon sa Iceland bago sila magpakasal, iisa lang ang sinasabi nila – worth watching ang pelikula na hopefully, sa paglabas ng istoryang ito ay nasa mga sinehan pa at patuloy na sinusuportahan ng publiko after na mapanood ng moviegoers na nauna sa kanila na magaganda ang mga sinasabi about the film.
Sa pelikula pinatunayan ni Paolo na hindi lang siya pang-kontrabida or pang-comedy kundi he is a good actor na pwede din ihanay sa galing ni John Lloyd Cruz. Pak!
Reyted K
By RK Villacorta