PUMASYAL AKO sa dakong Intramuros, Maynila upang makita ang dati kong pinapasyalang mga gallery doon sa harap ng San Agustin Church. Uhm… malaki ang mga pagbabago ng lugar. Nandoon pa rin ang llustrado, ang Galeria de las Islas.
Pinuntahan ko na rin ang NCCA. Nakausap natin ang dati kong kasamahan sa Christian Art Society of the Philippines (CASP), ang samahan ng mga artists na itinatag noong 1981. Ang opisina nito rati ay sa may Herran Street sa may parteng Malate, Maynila.
Ang dating president ng CASP ay si Adiel A. Arevalo at kasama sa nagtatag nito ay sina Solomon Saprid, Virgina Ty-Navarro, Rosalinda L. Orosa, Elizabeth Chan, Jose Joya, Fr. Rey Culaba, National Artists Leonor Orosa at Napoleon V. Abueva.
Ang mga miyembro: Ed Castrillo, Ramon Orlina, Rafael Pacheco, Egai Fernandez, R. Orobia, Boy Gozum, Pete Amurao, at iba pa. Many are old already but still do not give up in the field of art. Perhaps, the blood in their veins is colored paints.
Nakatutuwang isiping ‘andu’n kasi ang hirap na mga dinaanan ng mga artist. Kaya ganu’n na lang ang saya ko nang makita ko ang aking kaibigan na walang kupas! Sa ngayon, siya ang National Committee on Visual Arts head Egai Talusan Fernandez. Pasadahan natin si Egai.
Kumusta, Egai? “‘Eto, papinta-pinta pero busy ako rito as volunteer sa NCCA, para makatulong sa policy, sa recommendation natin sa gobyerno para sa kultura at sining. Para sa mga kapwa natin artists, na magkaroon ng direksyon at matulungan sila kung paano.”
Tinanong ko siya sa mga hangarin pa niya para sa maka-artistikong mga kaisipan at mga konsepto tungkol sa arte ng sining. “Yun naman ang pangunahin, ang mga programang ginagawa sa seven (7) arts para malaman natin na hindi automatic na alam na kaagad ng gobyerno kung paano tutulong sa sinasabi nating creative industry. Kasi ang tingin sa atin eh, nakabebenta ka ng artworks, kumikita ka sa propesyon. Ito ang isang parte ng creative industry na hindi napapansin ng pamahalaan na bigyan ng tulong katulad ng sa film, meron silang mga festival pa. Nagkakanya-kanya silang programa para ilunsad ang buwan ng sining. May time na bago naitayo ang NCCA noong 1983 nang na-assassinate si Ninoy. At that time, ako ‘yung president ng Art Association of the Philippines (AAP). So, lumahok ‘yung mga artist sa Free the Artists Movement bilang parte ng pagpapakita ng dapat maging freedom of expression.”
Medyo aktibista rin talaga ito si Egai. But now, of course, if art is being discussed first, seedlings would grow into plants which eventually become trees and would stem into depths and style. And it indeed was invented by the art and colors. Not only the shapes and lines in a particular style reflect the work of an artist, but also the natural adeptness in the mixing of colors.
Sa pagpapatuloy niya ng aming usapan ay ganoon na lamang ang kanyang pagnanasa na maipakita ang tunay niyang layunin. Dagdag pa niya, “Kasi bago pa na-assasinate si Ninoy, meron nang clamor ‘yung mga artist noong panahon ni Marcos. It’s about p’wede nilang silipin ‘yung gawa ng artists at hindi nila papayagan o kaya ay hindi mailagay sa print. Not necessarily against the goverment, kumbaga silang ‘yung controlling body, kung hindi pumasa sa taste nila hindi puwede. Kunwari, katulad ng pelikula. Bago ito gawin eh, isa-submit mo ang script. ‘Di ba? ‘Pag ganu’n ang esensya noon, eh. Ano pa ang iyong sining?”
Sa kanyang pagpapatuloy ay naibulalas pa niya ang kuwento noong ‘80s na nagkaroon ng samahan ng mga artist na Concerned Artists of the Philippines mula sa Free the Artist Movement noong 1983. Kaya ganoon na lamang ang kanyang pagsusumikap na maabot ang patuloy na laban tungkol sa ikauunlad ng mga artista sa sining at pintura.
Ito ang larawan sa canvas ni maestro orobia. Sa komento, e-mail: [email protected]; cp.09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia