ISANG NAKAKALUNGKOT NA parte ng buhay ng isang artista ang minsan ay mawalan nang ningning dahil sa pagsulpot ng maraming baguhan o kaya naman ay ang kawalan talaga ng mga proyektong nababagay para sa isang magaling na aktor or aktres.
Katulad na lamang sa kalagayan ngayon ng magaling na komedyanang si Tia Pusit. Bibihira na lamang siyang maisalang sa mga TV shows kahit na sobrang galing niyang magpatawa. Tumatak sa amin ang kanyang nakakaaliw at nakakabaliw na pagpapatawa at pagbitaw ng mga jokes sa sitcom noon ng GMA-7 na Bahay Mo Ba ‘To?. Pero nang mag-babu sa ere ang nasabing show, minsanan na lamang siyang makapag-guests sa mga TV sitcoms or comedy shows. Nagkaroon siya ng regular show noon sa bagong bihis na TV5 pero hindi rin nagtagal ang naturang show. Napapanood din siya sa Mara Clara na malapit na ring magtatapos.
Matagal na naming kilala si Tia Pusit, panahon pa nang kampanyahan ni Presidente Erap Estrada dahil kami ay production assistant noon sa campaign team na umiikot sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sana naman muling pagkatiwalaan ng mga TV networks ang nag-iisang Tia Pusit dahil isa siyang maituturing na asset pagdating sa pagpapatawa. Ito ang buhay niya at ang kanyang pagpapatawa ay bahagi na ng tahanang Pinoy.
Sana, muli na natin siyang mapanuod sa mga comedy shows dahil si Tia Pusit ay nag-iisa lamang sa kanyang komedya.
SA KOLUM NATIN noong Biyernes, isinulat natin doon na tila umiwas si Andi Eigenmann sa press na nag-antay sa kanya sa isang event. May malaking isyu pa rin kasi ang dalaga sa ex-boyfriend nitong si Albie Casiño na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng linaw.
Minabuti naming hingan ng statement ang management team ni Andi, at nagpaunlak naman sila. “Andi has decided to keep her personal life private. She wants at this point to focus on positive things like her high rating soap. As part of her management team, we support her decision to keep this private. Hope you understand. Thank you for the opportunity to comment. And thanks for supporting Andi.”
‘Yun na!
MABIGHANI SA CHARACTER ni Peter Pan na pagbibidahan ng teen idol na si Sam Concepcion via Peter Pan: The Musical. Ito ang musical na unang pagsasamahan ng dalawang higanteng theater company, ang Stages at Repertory Philippines. Mapapanood sa Meralco Theater sa darating na September 29 hanggang October 30, 2011 ang musical na idirehe ni Menchu Lauchengco-Yulo at Jaime del Mundo.
Marami na rin ang naku-curious sa magandang built ni Sam ngayon na nagkaroon na nang masel sa kanyang braso at maganda na rin ang hugis nang kanyang abs. Pero ayon pa kay Sam, abangan na lamang daw ang kanyang paglipad dahil masisilayan din du’n ang kanyang magandang pangangatawan.
DAHIL NA RIN siguro sa pagkahilig nating mga Pinoy sa mga isyung showbiz, naisip ng pamunuan ng TV5 na ilipat ang timeslot ng Paparazzi sa bago nitong oras mula alas-3 ng hapon at ngayon ay mula 1:30-3:00 PM na ito mapapanood.
Nais ng Team Paparazzi na makapagbigay ng mga latest showbiz balita ahead. Sa mga ganitong oras kasi ay kantahan at sayawan ang mapapanood sa dalawang istasyon kaya isang magandang alternative na sa Kapatid Network ay mga isyung showbiz, mga inspirational stories, mga human interest feature na may kinalaman sa maningning na mundo ng showbiz naman ang tinatalakay.
Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 3 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato