NOONG NAKARAANG Biyernes ng gabi, nakasabay ko sa isang salo-salo ang isa kong lalaking kamag-anak na isang independent car salesman. Lumapit siya sa akin at abot-tenga ang kanyang ngisi sa tuwa. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinapik sa balikat at kinamayan. Bungad niya sa akin ay “kuya, epektib ang payo mo”.
Dahil matagal na kaming hindi nagkita at hindi ko na maalaala kung ano ‘yung sinasabi niyang ipinayo ko sa kanya, tinanong ko sa kanya kung ano ang tinutukoy niya. Matapos niyang ibulong sa akin, saka ko pa lang naalaala ang nasabi ko sa kanya dalawang buwan na ang nakararaan. Magkasabay kaming naghalakhakan.
Noong gabi ng aking birthday party noong nakaraang Marso, isa siya sa aking mga panauhin. Nang siya’y lapitan ko sa kanyang mesa para kumustahin, puro daing ang kanyang bukang-bibig.
Problemado siya sa kanyang live-in partner na ubod ng selosa. Sa kanyang trabaho madalas siyang ginagabi sa pakikipag-usap sa mga prospective clients at dagdag pa rito, pagkatapos ng pakikipag-usap sa mga kliyente kung minsan dumidiretso siya sa mga pa-derby. Pag-uwi niya ng madaling-araw, pagod na nga raw siya at kung minsan ay minalas pa, katakot-takot na mura ang inaabot niya lalo pa kapag hindi na niya kayang bigyan ng pansin ang paglalambing ng kanyang girlfriend.
Sa ilang mga pagkakataon, tinangka na raw ng kanyang girlfriend na hiwalayan siya. Matapos kong marinig ang kanyang mga daing, tinapik ko siya sa balikat, kinamayan at sabay na binulungan na “Robust lang ang katapat niyan”.
At noong muli nga kaming magkita noong Biyernes, namumulaklak ng halakhak ang aming pag-uusap.
Napag-alaman kong isa sa mga dahilan pala kung bakit madalas na magselos si girlfriend ay sapagkat inakala nitong mayroon siyang ibang kinalolokohang babae lalo pa kapag inuumaga na siya ng uwi. Mas tumitindi pa ang selos kapag ito ay lumambing sa kanya at ‘di niya kayang pagbigyan dahil sa pagod, problema at tama ng espiritu ng alkohol.
ANG ERECTILE dysfunction ay pangkaraniwang sakit ng mga kalalakihan na subsob sa trabaho at tadtad ng problema. Ang resulta kapag pinagsama ang mga ito ay stress. At mas lalong lalala pa ang stress level ng isang lalaki kapag siya ay may bisyo tulad sa aking nasabing kamag-anak na malakas manigarilyo at uminom ng alak. Pangkaraniwang sakit din ito ng mga kalalakihang nagkaka-edad.
Ayon sa mga eksperto, isa sa mga natural na pangontra sa erectile dysfunction ay ang pagkaroon ng malinis at malusog na lifestyle at pagkain ng maraming mga gulay at iba pang mga pagkain na may sangkap na L-Arginine tulad ng dairy products at mga isda.
Ang ROBUST ay punung-puno ng L-Arginine at ito ay isang herbal medicine kaya walang side effects at hindi nakasasama sa kalusugan.
Marami na ring mga gamot sa merkado na tumutulong sa mga lalaking may erectile problem na pawang nabibili sa pamamagitan lamang ng prescription. Pero ilan dito ang naging dahilan na sa pagkakaatake sa puso ng mga kalalakihang uminom ng mga ito dahil sa masamang side effect.
May ilan ding mga gamot na nagsasabing mga herbal medicines para sa erectile problem ngunit mga gawa ng China at ipinuslit papasok ng bansa na hindi dumaan sa pagsusuri ng ating Food and Drugs Administration.
Ang ROBUST ay dumaan sa masusing pagsusuri ng FDA at gawa rito sa Pilipinas. Nabibili lamang ito sa mga kilalang drug stores at department stores.
Shooting Range
Raffy Tulfo