HINDI MAGKAMAYAW ang mga fans nina Ken Chan at Barbie Forteza last night (Monday, November 6) nang rumampa ang dalawa sa red carpet celebrity premiere ng pelikula nila na ginanap sa SM Megamall Cinema 7.
Sa loob ng sinehan,humiyaw at tinilan ang mga fans nang kumaway ang dalawa mula sa balcony section ng sinehan sa mga tagahanga nila sa may bandang orchestra.
Sa opening credits pa lang ng pelikula na siksik sa kilig na dinirek ni Joel Lamangan, ang mga fans ng KenBie ay naghihiyawan na.
Sa totoo lang, tama ang campaign spin ng Regal Multi Media, Inc (sister company ng Regal Films) na “siksik sa kilig” ang pelikula.
Kahit hindi ka fans nina Ken at Barbie ay madadala ka sa kilig ng mga eksena nila. Tulad ko na isang showbiz miron na hindi naman fans ng KenBie ay nadadala at napapangiti sa mga eksena ng dalawa.
Pang-bagets (millennials) ang mga hugot na eksena nina Ken at Barbie na tuwing lumalabas sa wide-screen ang dalawa, grabe ang hiyawan at tilian ang mga fans na hindi na namin naririnig ang mga dialogues nina Ken at Barbie sa mga eksena.
Mabuti, ipapalabas na ang This Time I’ll Be Sweeter bukas, Wednesday, November 8.
Uulitin ko ang panonood ng pelikula ng dalawa na hopefully, less hiyawan at tilian na ang maririnig ko.
On the side, I’d like to congratulate Kim Rodriguez (who played sister of Ken who was good I her role), Jai Agpangan and Akihiro Blanco na ginalingan ang pag-arte nila as Barbie’s Besties.
Congratulations and goodluck to KenBie and the casts.
Reyted K
By RK Villacorta