KATULAD NG Big Winner na si Slater Young, balak ding pumasok sa showbiz ni Tin Patrimonio na kasabayanan ni Slater sa PBB: Unli-mited. “I want to make a name for myself, not only (as the) Captain’s daughter,” kuwento ni Tin nang siya ay makapanayam ng The Buzz.
Sabi nga ni Alvin (Tin’s dad) ay baka naimpluwensiyahan niya ang kanyang anak because he also tried acting before. He starred in the movies Last Two Minutes, Dobol Dribol, and Tasya Fantasya. Kuwento ni Alvin, “Noong nag-open iyong PBB, nagpaalam siya sa amin ng mama niya na ita-try niya raw ang showbiz… Siguro na-challenge si Tin na i-try iyong showbiz. Sabi ko, ‘Sige try mo. Nandito iyong full support namin ng mama mo and ng family.’”
If she is given the chance to do movies, she wants to work with Sam Milby and Jake Cuenca.
Kung mas ma-timbang ngayon ang showbiz kay Tin, sino naman kaya ang lalaking mas matimbang sa puso niya kung pag-ibig ang pag-uusapan? Hindi maikakailang maganda si Tin kaya marami ang nali-link sa kanya. Isa na rito si Joseph Biggel na very vocal sa kanyang paghanga kay Tin. Pero sinabi ni Tin na magkaibigan lang daw silang dalawa at nagkakaintindihan sila pagdating sa bagay na iyon. At mukhang hanggang doon na lang ang kanilang magiging relasyon. “Noong paglabas ko, mara-ming nagsabing, ‘Ang sama mo naman kay Biggel’. Pero alam naman ni Biggel na kulitan namin iyon, asaran din kami, but at the end, friends kami ni Biggel.”
However, iba naman ang kanyang comment nang tanungin tungkol kay Slater. Tin smiled when asked if she has a crush with Slater. Their avid fans call their tandem Slatin. “P’wede rin,” ang matipid niyang sagot pero halatang kinikilig ang dalaga. Naging crush daw niya si Slater sa loob ng Bahay ni Kuya because he is intelligent and kind.
Another housemate, Carlo Romero, was also linked with her pero sinabi niyang naging very close lang sila ng binata.
Kung tutuusin, maliban sa showbiz, ay p’wede ring maging isang beauty queen si Tin with her looks and height. Inamin niya sa The Buzz that she also has plans of joining the Bb. Pilipinas three years from now.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda