GAGANAP SA pelikula bilang Gabriela Silang, isang national hero, si Christine Patrimonio, anak ng basketball icon na si Alvin Patrimonio.
Si Christine ay isa ring national tennis champion, pero mas nakilala bilang isa sa housemates ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN, ka-batch si Slater Young.
Katunayan, one last shooting day to go na lang ang Gabriela, ang film biography ng nasabing Ilocano heroine, at nasa kasagsagan ng shooting ang production.
Mula sa panulat ng award-winning scriptwriter na si Frank Rivera at producer at director naman ang dating hunk actor na si Carlo Maceda.
Dumaan sa ilang mga pangalan ng mga aktres natin ang pinakamimithing role bilang Gabriela Silang sa pelikula. Ilang mga “kaganapan” din ang nangyari. Pero somewhere along the way, hindi matuluy-tuloy ang pagkuha sa named actresses to do the role.
Hindi na namin iisa-isahin pa kung sinu-sino ang mga kinunsider for the part, basta na-consider ang mga Kapuso at Kapamilya actresses, pero halos lahat ay “ngarag” sa taping skeds nila ng kanilang mga teleserye, so hirap ang shooting sked. Eh, at that time ay kinailangan nang magsimula ang shooting ni Direk Carlo.
Hanggang sa personal na na-meet ni Direk Carlo si Christine sa isang event, at naisip niyang maglunsad na lang ng isang bagong mukha sa big screen, and no less than in the challenging role of Gabriela Silang, na napakakulay ng buhay.
Ang script ni Rivera ay nanalo sa Centennial Scriptwriting contest noon pang 1998, at ilang beses tinangkang isapelikula, pero wala ngang natutuloy na producer/s.
Pangarap ni Rivera noon na kunin sina Nora Aunor as Gabriela and Robin Padilla as Diego Silang, pero hindi nga natuloy. Ito rin ang same material na naipasa na sa Cinemalaya a couple of years ago, entitled Henerala, under Direk Mario O’Hara, pero hindi nai-deal ito sa co-investor ng movie, kaya ‘di pa rin natuloy.
Hanggang sa nakuha na ni Direk Carlo ang rights to produce it to become a film, and heto nga’t papatapos na sila ng shooting.
“Shocked” at overwhelmed pa rin si Tin (palayaw ni Christine) sa pagtitiwala sa kanya to do the role na siguradong will go down in history of Philippine Cinema, porke national hero ang character, at panahon pa ni Lino Brocka ang last Gabriela film, portrayed by Armida Siguion-Reyna noong 1970s.
Gumaganap bilang Diego Silang si Carlo Aquino na noong una pa lang daw niya mabasa ang script ay hindi na nito pinakawalan ang pagkakataon.
May bonggang roles din sina Ricky Davao at BJ “Tolites” Forbes, na kapwa mahuhusay in their performances, base sa mga napanood namin on the set.
Pasok din sa cast ng Gabriela sina Jeffrey Santos, Mara Lopez, Rob Sy, Johnron Tañada, Iris Lapid, Arthur Solinap, Justin Piñon, etc.
NGAYONG JUNE 12 na ang showing ng Dance of the Steel Bars, ang international indie film ni Dingdong Dantes, kasama ang Hollywood actor na si Patrick Bergin (Sleeping with the Enemy, etc.), exclusively in SM Cinemas nationwide.
Dito ay gumaganap si Dong bilang isang dance instructor na napaghinalaang nakapatay kung kaya’t makukulong.
Ang bagong makikita kay Dong in the movie ay ang paghataw nito ng sayaw on the big screen, kasama ang popular na Cebu Dancing Inmates na ilang milyon na ang hits sa YouTube.
Naibalik din ang scene kunsaan nag-cameo role ang girlfriend na si Marian Rivera, na willing at game ding nagbihis ng costume na pang-preso.
For sure, kahit maiksi ang cameo appearance ni Marian, happy na rito ang solid fans of Dong and Yan, dahil bihira nga nilang makita together on the big screen ang kanilang mga idolo.
Kasama sa Dance of the Steel Bars sina Ricky Davao, Mon Confiado, Kathleen Hermosa, etc., mula sa direksiyon nina Cesar Apolinario and Marnie Manicad.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro