HINDI RAW maiwasang ma-shock ni Tin Tin Bersola-Babao sa unang salang nito sa Face The People bilang host together with Gelli De Belen. Gulat na gulat daw ito sa mga totoong kuwento ng buhay ng mga taong nai-interview at nagiging panauhin nila sa show ng TV5.
Tsika nga ni Tin Tin, “Eh, kasi, ‘di ba, isa lang naman akong replacement ni T’yang (Amy Perez)? Baguhan ako rito. Si Gelli, one year na niyang ginagawa. So, ako, nangangapa.
“Kasi, sa totoo lang, saan ba ako tumanda, ‘di ba, sa morning show? Ibang-iba ang format ng morning show, nakangiti, happy stories. Biglang opposite na opposite, pagdating ko rito (Face The People), shock talaga ako. Natutulala ako, as in shock! Puro tanong ko lagi, ‘Bakit?’
“Pag-uwi ko sa bahay, pagkatapos ng tatlong araw, nandoon pa siya sa system ko. Ikukuwento ko sa asawa ko, ‘Alam mo ‘yung kanina… kuwento-kuwento para lang mailabas ko. Buti na lang nandiyan ang asawa ko para makinig.”
Pero habang tumatagal daw ito sa show, unti-unti nang nasasanay si Tin Tin sa iba’t ibang kuwentong kanyang nalalaman. Marami nga raw siyang natutunan sa tunay na buhay ng iba’t ibang tao at kanilang estado sa buhay.
Dagdag nga nito na siya raw ay practical kung magbigay ng payo, samantalang puso naman daw ang pinapairal ni Gelli sa pagbibigay-payo sa mga nagiging panauhin nila sa show.
John’s Point
by John Fontanilla