OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo dahil lokang-loka na naman tayo sa Earth!
Ano ba naman ‘yan? As in ngarag na ngarag pa ako sa katatapos na shooting ng ‘Tabla’, isa sa mge episode ng Talo, Tabla, Panalo, kung saan ito ay pinagbibidahan nga ng magaling na beteranong aktor, bida, kontra-bida, director na si Eddie Garcia na talaga namang walang kapaguran.
At kinokorek ko pala ang sinulat ko nu’ng Lunes tungkol sa nasabing pelikula, dahil sa episode na ‘Panalo’ ay si Gloria Romero ang nakalagay sa column ko. Si Boots Anson-Roa po ang gaganap sa nasabing episode, at ang direktor po nito ay walang iba kung hindi si Buboy Tan. Sana po nagampanan ko ang isang challenging role na isang bulag na hikain at, ang aming producer ay ang mabait na mag-asawang Amy at Tony Abarquez ng Amytony Foundation, Inc. Ang istorya ng tabla ay tungkol sa nga nagkalat na pulubi sa kalsada, kung saan karamihan ay naging biktima ng bagyong Ondoy. Realidad po ito, sa lahat ng ginawa kong pelikula, ito ang isa sa the best na alam kong magugustuhan ng mga manonood. So, abangan na lang po ninyo.
TEKA DALAWANG araw na hindi ako nagpapa-sabog ng mga tsika dahil abala nga ako sa shooting. Umpisahan na natin itong nakabubuwang na praise release na nanlaki talaga ang aking mata at tumaas ang kilay ko na wala nang doktor na p’wedeng mag baba.
Kasi nga naman, parang hindi kapani-paniwala ang mga nabasa ko sa isang tabloid na sina Justin Bieber, Taylor Swift at Bruno Mars ay tinalo ni Sarah Geronimo, at kinabog din si Charice, bilang number 1 favorite singer ng mga bagets. Kasi nga naman idineklara raw ito ng isang survey, ang New Generation Survey 2012. Survey ito Cartoon Network, kung saan mga batang edad 7-14 ang tinanong daw kung sino ang favorite singer nila. Ito ang lumabas: nakakuha ng 14% ng boto si Sarah; habang pumangalawa naman si Charice na may botong 8%; Justin Bieber who place third; Taylor Swift, 4th; at Bruno Mars, pang-lima.
Muntik na akong mawalan ng ulirat. Ito ay isang kabaliwang survey, kung ito ay international survey. Mabuti nabawasan ang panggigigil ko sa inis nang mabasa ko nang buo na dito lang pala sa Metro Manila at Cebu at Davao ang survey. A,B,C, at D. raw socio-economic classes ng mga batang kinausap nila.
Hay, naku! ‘Pag pinag-usapan talaga ang datung na lagi kong sinasabi na ‘if money talks, everybody listen’. Dito sa nabasa kong survey kuno, sigurado ako, may pakulo na namang ginagawa ang kampo ni Sarah. Kasi nga naman, sa totoo lang, parang hindi na siya uso at mababa raw ang rating ng Sarah G Live! Kinabog daw ito ng sumunod na programa sa rating.
Speaking of survey, kung international ang survey, sigurado ako, ni pangalan ni Sarah, walang ni isang boboto sa kanya. Kasi nga naman, hindi siya knowing. Korek! Kaya sana, ‘wag na nilang lituhin ang tao. Kasi talagang kahit bata pa si Sarah, parang masasabi ko na isa siyang has been. Kung kay Kim Chiu nga, hindi siya umubra sa dami ng mga fans at mga behave na tagahanga at hindi nanlalait ng mga writer na nagsusulat ng hindi nila masikmura, kasi nga naman truth hurts.
Hay, naku! Tigilan na nga ang ilusyon nila, kasi hindi na sila kapatul-patol. Move on na, tama na ang bitter na ‘yan.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding