HINDI NGA siguro type ni Iza Calzado si president Noynoy Aquino.
Kung type niya ito, hindi niya tatanggihan ang request for a dinner na ipinadaan diumano ni P-Noy through his designer Paul Cabral.
Ayon sa isang report, si Paul daw ang nagsisilbing tulay sa pagitan nina P-Noy at Iza. Ito raw ang kumakausap sa Kapuso actress para sa isang dinner sa pagitan ng dalawa kaya lang ay magalang na tumanggi ang aktres.
Recall that a few months ago ay mariin ang pagtanggi ni Iza na there’s something romantic brewing between her and P-Noy. Nagka-kilala lang daw sila sa isang event and ‘yun na, tongues started to wag.
VERY MUCH active pa rin pala si Mo Twister sa kanyang Twitter account. He updates his more than half a million fans about what is going on in his life.
Kamakailan lang, ikinuwento ni Mo ang mga nangyari sa kanyang buhay sa kanyang anak na hindi niya pinangalanan. Ina-assume naman naming anak niya iyon kay Bunny Paras.
Sabi niya sa Twitter, “Had a long conversation w/ my daughter. she asked so many questions about what happened, so much tissue needed….”
When Janice de Belen made a comment using her AkoSiFlordeluna Twitter account , she said “being truthful with our children makes us better parents”. Bagay na sinang-ayunan naman ni DJ Mo.
“I know. but we both started to breakdown when she asked if it was supposed to be a boy or a girl. what do i say?” sabi ni Mo.
SOBRANG PASASALAMAT ni Pokwang dahil she will open the year with a big bang.
Opening salvo kasi ng Star Cinema ang A Mother’s Story na pinagbibidahan niya. For a change ay magda-drama siya rito.
Isang OFW na maraming unos na dinaanan sa buhay ang role ni Pokwang. The character that she played is very much like her.
Namatayan ng anak si Pokwang while she was working abroad. Ni hindi nga siya nakauwi dahil sa kakulangan sa pera.
Sinisisi ni Pokwang ang kanyang mister dahil sa hindi siya pinadalhan man lamang ng tulong nito para makita niya ang namayapa niyang anak.
Cry si Pokwang when she related this incident sa media huddle for A Mother’s Story.
KRIS AQUINO returning to The Buzz?
Mukhang may posibilidad nga ito dahil nang matanong daw siya tungkol dito ay “puwedeng pag-usapan” ang naging tugon ni Kristeta.
Should this materialize, papalitan ni Kris si KC Concepcion who resigned from the show.
Pagbalik ni Kris, na bida sa Segunda Mano, sa The Buzz, siguradong buhay na naman ang showbiz.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas