NGSB O NBSB ka ba? O No Girlfriend/Boyfriend Since Birth? Na-try mo na bang makipag-date? Natatakot ka ba yayain ang isang taong makipag-date sa tradisyonal na paraan dahil sa takot na makatikim ng isang malaking HINDI sa harapan mo? Mukhang bagay na bagay nga sa iyo ang pinakabagong dating app na nauuso ngayon, at ito ay wala ng iba kundi ang Tinder!
Ang Tinder ay isang location-based discovery social application na nagbibigay-daan sa komunikasyon sa pagitan ng dalawang ‘mutually interested users.’ Ang nasabing dating app ay nagbibigay ng pagkakataon na maka-chat ang magkaka-match.
Ang Tinder app ay sinimulan nina Joe Muñoz, Sean Rad, Whitey Wolfe, Chris Gylcznski, Justin Mateen, at Jonathan Badeen. Naging sikat at ginamit agad ito sa loob ng campus hanggang sa maraming tumangkilik sa iba pang paaralan. Kaya naman noong 2013, ito ay nanalo agad ng TechCrunch’s Crunchie Award for Best New Startup of 2013.
Ang Tinder ay nakakakuha ng pictures at basic information sa mga Facebook profiles ng tinder users. Ito rin ang kanilang paraan para mag-analyze ng geographic data, social data, at kung ano pa man para mai-match ang mga user.
Paano nga ba naima-match ang mga Tinder user? Ang basehan nila ay ang lapit ng lokasyon, mutual friends, at mga common hobbies, at interests. Base sa resulta ng mga potential matches, ang mga user ay puwedeng mag-like o mag-pass ng matches nang hindi nalalaman ng potential match mo. Kung natitipuhan mo siya, swipe to the right ka lang, kung pass ka sa kanya, swipe to the left.
Anu-ano nga ba ang Features ng Tinder App?
- Swipe – gaya nga ng nasabi kanina ito na nga ang pinaka-central design ng nasabing app, kung like mo siya, swipe to the right, kung pass ka, swipe to the left, at ipagpatuloy lang ang searches para sa iyo.
- Moments – ito ay may ephemeral photo features, kung saan puwede mong i-edit, i-filter, at i-like ang pictures ng ka-match mo.
- Instagram Integration – ito ay nagbibigay-daan, kung saan ang mga ka-match mo ay puwede n’yong makita ang Instagram profile ng isa’t isa.
- Common Connections – ito ay ang nagbibigay ng impormasyon sa magkaka-match kung sila ba ay mayroong mutual friends sa Facebook, ito ay kanilang tinatawag na Tinder, First degree connection. Mayroon ding Second degree, kung saan may friend-of-friends kayo.
Alam n’yo ba na kayraming users na mayroon ang Tinder ngayon. Available na nga ito sa 30 languages, patunay lang na ginagamit na ito sa mga iba’t ibang bansa sa buong mundo. Noong katapusan nga ng 2014, may naitalang 50 million users kada buwan, kung saan may humigit-kumulang 12 million matches per day. Kaya naman hindi na kagulat-gulat, nang simulang nagawa ang Tinder noong 2012, may 6 billion matches na ang nagawa.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo