TINGIN YATA NG isang sikat na komedyana sa programang interesadong kunin siya bilang mainstay ay “New Zealand”. As we all know, ang bansang ito (na kung tawagin din ay Land Down Under next to Australia) ay maraming baka. So, kung sandamakmak ang herd of cows, bu-mabaha rin ng gatas.
Araw-araw napapanood ang canned show na ito, twice a week ang taping schedule. But if all five weekday episodes were to be done in a day, mahaba na ang limang oras including breaks, costume changes and tsikahan. ‘Di hamak na mas maraming oras ang gugugulin if a star were to be in another program, say, teleserye that takes all of eternity to get a single ta-ping done on a daily basis.
Rewind tayo sa komedyana. When offered to do the daily taped show, ang asking price ng hitad bawat episode ay—hold your breath and breast—P65,000! Multiply it by five, aba, tumatagin-ting na P325 thou a week ang assured income niya! That’s more than enough to pay TEN creative staff in a month!
Pero pursigido ang programa na kunin ang serbisyo ng hitad, makikipag-haggle daw ito sa “package deal” price. Sana hindi matuloy ang transaksiyong ‘yon, lest the program turn into a milking cow na sa Pilipinas naman ginagawa at hindi sa New Zealand, ‘no!
(Ronnie CarrascoIII)