Tinigilan na ang pagpatol sa mga bashers Sharon Cuneta, tahimik na sa Twitter

HINDI NA namin kailangan pang magtatawag o maggagagala para makakalap ng mga balita. Sa Twitter pa lang na isang real-time social networking site ay makakasagap ka na.

Ang mga artista ngayon, basta may Twitter account, kahit hindi pa sila magpainterbyu sa mga reporter ay malalaman agad ng mga tao ang kanilang hinaing or whatever basta i-tweet lang nila kung ano ang nararamdaman nila.

Kahit kaunti kunwari ang followers ng isang artista, basta mag-tweet siya na pupukaw ng attention, puwedeng ang pinost niyang tweet ay ipa-dala sa amin kunwari at bahala na kung papatulan namin ‘yon o kami mismo ang magiging source ng pagkalat ng pinost niya sa aming mga followers.

TAHIMIK NA si Sharon Cuneta. Hindi na siya nagpapapatol pa sa mga bashers niya sa Twitter. Sana, hindi ito pansamantala, kung hindi man pangmatagalan, pang kahit kelan.

Ang laki rin siguro ng natutunan ni Sharon sa Twitter na the more patol you do, the more chances of having kaaway.

Kami nga, ang dami pa rin naming haters and bashers, eh. Feeling namin, gusto lang nilang patulan namin sila para dumami rin ang followers nila.

Imbes na patulan, block na agad namin. Wala nang tse-tse buretse, ‘no! Baket ba, kahit sabihin n’yo pang mali o OA ang ginagawa namin, eh, bakit ba? Twitter account n’yo ba ‘yon?

NAGKA-APPENDICITIS PALA si Vhong Navarro, kaya wala nu’ng Sabado sa “It’s Showtime,” kaya naospital ang lolo n’yo at nagpapagaling.

Bumaha ng mga tweets ng pagmamalasakit kay Vhong, lalo na kami na super nag-alala, dahil alam naming super breadwinner si Vhong ng kanyang mga anak at pamilya ng tatay niya.

Juice ko, kahit naman kami, baka lalong ma-depress kapag nagkasakit, dahil ilang bibig din ang nakanganga sa amin and we can’t afford to be sick, ‘no!

Get well soon, ‘pre!

NAGING ISYU ang pagpaparinig ni Xian Lim sa twitter na gusto niya ng Macbook, gusto niya ng guitar na hindi na kailangang bilhin, dahil kinabukasan lang, nandiyan na at bigay pala ‘yon ng kanyang mga fans here and abroad.

Pero sa mga fans ni Xian, hindi ‘yon isyu sa kanila. Ibinigay nila ‘yon nang kusa at masaya silang pasayahin si Xian, kaya wala raw pakialam ang ibang tao.

“Anong magagawa nila eh, kung sa mayayaman talaga ang mga fans ni Xian, di ba?”

Juice ko, kelan kaya ako magkakaroon ng fans na mayaman?

In the first place, meron ba kaming fans? Hahahaha!

ME GAGAWIN ba kayo sa April 28? Kung wala naman at gusto lang niyang tumawa at mag-enjoy, tamang-tama, meron kaming suggestion sa inyo.

Why not go to Zirkoh at 9pm para sa nakakatawa at riot na show entitled “It’s More Fun In Zirkoh” with Marissa Sanchez, K Brosas, Kim Idol at kami po ang magho-host sa gabing ‘yon.

Guests naman sina Bryan Termulo, Alex Castro, the Comic Duo Kuya Jobert (Austria) and Alex Calleja of “Usapang Lalake”, ang trio nina Lloyd Zaragoza, Joshua Desiderio at Brenan Espartinez.

P600 lang ang ticket price at ito’y produced ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc. kung saan ang kikitain nito’y pangsuporta sa mga indigent breast cancer patients na sinusuportahan ng Kasuso Foundation (na may office sa gilid lang ng East Avenue Medical Center).

For ticket reservation, please call 0917-5077766.

Sabi nga, kesa tayo ang magka-breast cancer, why not help the ones who have?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleBawal na pag-ibig nina Piolo Pascual at Cristine Reyes, patok sa televiewers
Next articleJoseph Estrada, seryosong pinag-iisipan ang pagtakbo bilang mayor ng Maynila

No posts to display