EIGHTEEN YEARS SI Tintin Bersola-Babao sa bakuran ng ABS-CBN bago ito nagdesisyong lumipat sa TV5. Why all of a sudden naisipan niyang lisanin ang Kapamilya Network? “Mabilis ang pangyayari, si Kuya Boy (Abunda) ang nakipag-negotiate. Kahit nag-resign na si Kuya Boy sa Backroom, pagdating sa kontrata siya pa rin,” say ng bagong endorser ng Smart Steps na si Tintin.
May pagka-talk show ang tema ng show na gagawin ni Tintin for TV5, kaya bago ito para sa kanya. “Kasi DZMM na lang ang ginagawa ko, Saturday and Sunday. Since DZMM na lang with Julius (Babao) ‘yung radio program so, kailangan naman… Eight years na kami ni Julius sa DZMM so, aside doon wala na akong regular show, ‘di ba? Ang huli kong regular TV show ‘yung Busog Lusog at Look Who’s Cooking nasa channel 5 rin actually, that was 2008 and 2009 pa. So, tamang-tama, when this came in, tinanong ako kung may contract pa ako sa ABS. Baka gusto kong gumawa ng show sa Kapatid Network. Siyempre, go talaga ako, yes talaga ako,” excited na sabi ng award-winning TV host.
Matagal na palang walang kontrata si Tintin sa ABS-CBN kaya malaya itong mag-ober de bakod. Wala kayang tampo si Tintin sa ABS-CBN dahil hindi siya binigyan ng TV show? “Wala, kaya maayos ang pagta-transfer ko, walang conflict. They take care of my husband, si Julius so many shows. He’s very busy person tapos sa DZMM, practically thankful. Tapos, very very grateful ako kasi sa DZMM, I felt so love and important. Lahat ng kanilang events lagi nila akong tinatawag and I’m always part of this big events sa DZMM so, I felt important, na-recognize nila ‘yung talent ko,” pahayag niya.
Three years contract ang pinirmahan ni Tintin sa TV5, inalok rin siyang mag-radio sa TV5. “Sa DZMM, out of courtesy, ethics, ganyan since my radio program din ang TV5. Although wala akong radio doon, parang courtesy na rin nag-resign na din ako sa DZMM. So, parang gusto ko nang mag-focus sa TV show.”
Nagkaroon din ng offer si Tintin sa GMA-7, pero mas pinili niya ang TV5. “Si-guro ‘yung timing. Ngayon kasi ano, sabi ko nga, life begins at forty, kasi turned forty ako last year. Sabi ko, ‘eto na ‘yung… honestly, inisip kong mag-retire na ako, kasi ang ginagawa ko na lang radio. Sabi ko, I have other things na lang to do and then the offer came from TV5 na ang ganda talaga kasi tatlo ‘yung shows. Tapos long term ‘yung contract, magagawa ko ‘yung uring show na gusto ko talaga.”
“Hindi kasama sa shows ‘yung news program pero gusto ko rin. Actually, may bago akong gagawin baka mag-artista ako, joke! Kasi, ang TV5 mayroon silang partnership with Regal, ‘di ba? Tinanong ako kung open ako sa possibility na… eh gumawa naman ako ng Ako Na Lang Sana, Blue Moon. Okey lang basta ‘yung role ako rin, para makita ng tao ‘yung different asset and personality ko pero hindi naman drama. Sino raw ang gusto kong leadingman? Si Aga (Muhlach) talaga. Hahaha! Okey lang kay Julius, wala namang kissing scene. Hahaha!”
Hindi kaya magkaroon ng conflict ang mag-asawa dahil nasa Kapamilya Network si Julius at si Tintin naman ay nasa TV5? “Walang conflict kasi malapit lang sa bahay namin sa Novaliches. Kami ni Julius walang ka-conflict-conflict, ganu’n eh. Boring nga, pag-awayin n’yo nga kami. Hahahaha!”
Sabi nga ni Tintin, good provider si Julius, ang suweldo niya, saan napupunta? “Solong-solo ko pero ‘yung suweldo ng PA ako ‘yun. Yaya, katulong, kuryente kay Julius lahat ‘yun kaya ‘yung sinusuweldo ko nagagamit ko para tulungan ang Mommy ko na may sakit, ‘yung medicine niya. ‘Yung kapatid ko kasi ako pa rin ang nagpo-provide. Tapos ‘yung nag-aalaga sa mommy ko, ako ‘yan lahat. Ako, wala akong problema sa kanya at all, ang bait talaga ni Julius.”
Inamin ni Tintin ‘yung talent fee na nakukuha niya sa kanyang mga endorsements ay sarili lang niya. “Walang intrega, alam naman niya na ako ang breadwinner. Ang laki naman ng sinusuweldo niya, ‘di ba? Isa naman siya sa top anchor talaga kaya hindi ‘yun issue sa amin.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield