BAD ATTITUDE ang ipinamalas na kabastusaan nitong si Sofia Andres sa media ngayong lang inilabas ng mga bloggers and print reportesr sa not-so-nice attitude nito sa kanila.
During the presscon ng Mama’s Girl movie niya sa Regal Films with actress Sylvia Sanchez, nagpamalas na ng katamaran itong si Sofia sa tamang asal while she is being interviewed ng media and bloggers na hindi nagustuhan ng mga ito ipinamalas na attitude.
Maging ang former PMPC President na si Roldan Castro ay may bad experience sa dalaga na kung susumahin mo ang mga reklamo sa kanya ay napaka-unprofessional niya in handling her showbiz career.
Sa kanyang Twitter account she wrote: “Too tired to be too nice.” Na kung ia-analyze mo, saan siya napagod?’
Being nice is a natural character or trait ng isang tao. Being nice should not be just a “kaplastikan” attitude tulad ng kanaturalan ng isang Liza Soberano or Kathryn Bernardo na very nice kapag kaharap sila ng media during interviews.
May ready smiles sila kahit hindi nila kabisado ang mga names ng mga entertainment bloggers and writers na nakakaharap nila.
The nerve na magso-sorry ang maldita na out of context naman at hindi naiintindihan ang isyu tungkol sa kanya.
Ang simpleng isyu kay Sofia ay ang kabastusan niya na habang ini-interbyu siya ng group of bloggers sa isang presscon ay wala ang atensyon niya sa mga nai-interview. Walang focus na mas gusto pa magtext or mag-chat na lang sa hawak-hawak niyang cellphone na kung hindi pa kinuha ni Diego Loyzaga ang hawak ni Sofia na cellphone ay hindi pa ito titigil.
Kung pagod si Sofia sa pagiging nice, I suggest na magpahinga na siya for life at umalis sa showbiz. Kailangan niya ito at susuportahan ko siya sa bagay na ito.
Reyted K
By RK Villacorta