Tita Angge, pumanaw na sa edad na 70

 alt=

Talent manager and casting director Cornelia “Tita Angge” Lee

Isang taon matapos makaranas ng atake sa puso, pumanaw na ang talent manager na si Cornelia Lee, mas kilala sa tawag na “Tita Angge”, nitong Huwebes ng gabi (March 2) sa edad na 70.

Ayon sa mga ulat, ihinayag ng kanyang anak na si Imelda ang pagpanaw ni Tita Angge sa ganap na alas-9:20 ng gabi sa kanilang tirahan sa Antipolo City.

“Thank you for all the prayers for my mother who fought for her life for one year. Praise God it was a peaceful sleep,” pagbabalita ni Imelda.

Marso noong nakaraang taon, na-revive ang dead-on-arrival sa ospital na si Tita Angge matapos ireklamo ang pananakit ng dibdib habang nanonood ng sine sa isang mall sa San Juan City.

Nakaburol ang mga labi ni Tita Angge sa Loyola Memorial Chapel sa Marikina City simula ngayong Biyernes.

Si Tita Angge ang manager nina Sylvia Sanchez, Mickey Feriols, Timmy Cruz, at Smokey Manaloto. Bago naging talent manager at casting director sa mga palabas sa telebisyon, nagsimula siya bilang talent sa radio, TV, at pelikula.

Nagsimula ang break ni Tita Angge sa showbiz nang isama siya cast ng pelikulang “Continental Playboy” ni Direk Pablo Santiago, hanggang sa mapabilang sa iba’t ibang pelikula noong late 60’s at early 70’s.

Samantala, ilang showbiz personalities na nakasama at kaibigan ni Tita Angge ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa kanyang mga naiwan, gayundin ng kanilang pag-alala at pagkilala sa kabutihang-loob ng pumanaw na talent manager.

Sa Facebook post ng beteranong entertainment columnist at MTRCB board member na si Mario A. Hernando:

“Fond farewell to Angge aka Cornelia Lee, an iconic figure in the movie and television industries.

“She was one of my dearest colleagues in the pioneering showbiz talk show produced by the late Inday Badiday, “Movie Magazine” on GMA-7, and later became the highly influential talent manager and casting executive at ABS-CBN.

“Angge had a tough, intimidating facade but deep inside, she was kind, soft-hearted, thoughtful, and honest.

“Ansel Beluso’s news that she has finally succumbed after more than a year in coma saddens us deeply but at the same time provides relief to those who cared for her that she has joined her Maker and is now in peace.

“Thanks, Angge for the friendship.”

Post naman ng kapwa talent manager at entertainment columnist ding si Ogie Diaz sa kanyang FB account:

“Mami-miss ko ang mga malulutong na pagmumura niya. Ang lagi niyang kuwento kung gaano niya kamahal at ipakipagpatayan si Mama Inday (Ms. Susan Roces).

“Minsan na akong naging ghost writer niya sa “Balugang Gala” column niya sa Teenstars nu’ng early 90s. Kailangan ko siyang kausapin lagi para kapag sinulat ko na ang mga pinapasulat niya ay parang si Angge talaga ang tono pag binasa mo ang column niya.

“Sasabihin niya, “Sa ‘yo na ‘yan pag nakasingil ka diyan. Dagdag mo para me pang-uwi ka sa nanay mo.” Kasi nga, sobra ding minahal niya ang nanay niya, kaya gano’n na lang siya ka-concern sa nanay ko.

Siya din ‘yung nu’ng uso pa ang beeper (Pocketbell, EasyCall, Powerpage) ay hindi ka pwedeng mag-Ingles, dahil sasabihin sa ‘yo ng operator ng EasyCall, “Pasensiya na po, may instructions po kasi na bawal po ang English, Tagalog lang po talaga.”

“Kaya nakikipagtalo pa kami sa operator na, “Sige nga, tagalugin mo ‘yung salitang ‘taping,’ Miss. Common sense naman. Maiintindihan naman yan ni Tita Angge pag nakarating sa kanya ang message.”

“Hay, those were the days. Kaya mami-miss ko si Tita Angge. But her friends know na nasa mabuti na siyang kalagayan sa Itaas.

“I love you, Tita A!”

Previous articleKathryn, hindi nagmamadali sa mature roles
Next articleCoco Martin, biglang naging kapatid ni Sandino Martin

No posts to display