Dalawang magkasunod na taon na may pelikulang kasali si Direk Dan Villegas sa Metro Manila Film Festival. Nu’ng 2014, entry niya ang “English Only Please” nina Derek Ramsay at Jennyly Mercado at nung 2015 ay ang “#Walang Forever” naman nina Jericho Rosales at Jennylyn.
Sabi ni Direk Dan, mabuti na lang daw at nakapagpahinga siya last year sa stress, dahil unfortunately hindi umabot sa deadline ng 2016 MMFF ang horror film niyang “Ilawod”.
“Kasi, ‘di ba, Paskong-Pasko, naghihintay ka ng ano (update), kung magkano na ba ang kinita ng pelikula namin, Diyos ko!
“Eh nitong ano (last Christmas), ‘ay bahala kayong lahat, basta ako, matutulog ako,’” natatawang pahayag niya.
Pero kahit Christmas and holidays ay super work pa rin daw siya dahil nag-e-edit siya ng pelikula at naghahanda rin para sa serye niyang “Ikaw Lang Ang Iibigin” nina Kim Chiu at Gerald Anderson.
Ang “Ilawod” ay isang kuwento ng possession involving water element, pero walang actual demons at walang curses. Proud na sinabi ni Direk Dan na ang girlfriend niyang si Direk Antoinette Jadaone ang nakaisip ng title ng pelikula na ang ibig sabihin sa Ingles ay downstream.
Samantala, bida sa “Ilawod” sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat, at Harvey Bautista.
Produced ito ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, and Butchi Boy Productions at showing na sa January 18.
La Boka
by Leo Bukas