Read Ogie Diaz’ Blind Item: Controversial actress, umabot sa P627,000 ang utang sa credit card!
AY, AYAW NI Tito Douglas Quijano na nag-e-emote ka. Negative ang vibes niyan para sa kanya. Ayaw rin niya ng mga tribute-tribute sa kanya. Kasi, nangangalisag daw ang balahibo niya. Parang sinusundo na raw siya sa Itaas, kaya siya binibigyan ng tribute.
Si Tito Dougs din ang unang sinabihan namin na “nakabuntis” kami nu’ng 2001. Na-shock siya nu’ng una, ‘pagdaka’y ang sabi niya: “Nakakainggit ka naman, Ogie. Buti ka pa, tinitigasan sa babae. Hahaha! Ako, hindi ko maimadyin! Hahaha!
“Tama ‘yan. Hanga ako sa ‘yo. Iba rin ‘pag me tinatawag kang iyo. Sarili mo. ‘Yan ang iyong buhay na monumento ‘pag nawala ka na.”
Ayun, mag-aapat na tuloy ang aming buhay na monumento. Hehehe.
NAKU, AYAW NI Tito Dougs nang malungkot, kaya tsumika na tayo nang bonggang-bongga, dahil alam naming ito ang type niyang basahin, ang mga isyu sa showbiz, kaya ready… get set… gora! Hahaha! Baklang-bakla, huh!
Pero tama na ‘yung kabaklaang tsika na mabaho raw ang hininga ni Jake Cuenca, huh! Nakausap naman namin siya kasabay ng ibang reporter sa presscon ng Villa Estrella.
Eh, isang suspense-thriller ang pelikulang ‘to nina Jake, Maja Salvador, Shaina Magdayao at Geoff Eigenmann. Pero ang nakakalokah, ‘yung isyung mabaho raw ang hininga ni Jake ang pinag-uusapan.
Juice ko, gusto nga naming sabihin nu’n ke Jake na, “Jake, sige nga, bugahan mo kami nang bonggang-bongga para mapatunayan namin kung true na masyoho ang hininga mo!”
Juice ko, ‘pag itong tsismis pa naman na ito ang kumapit sa ‘yo, iilang tao lang ang makapagpapatunay na hindi true ang tsismis, kasi nga, ‘yun lang ang nakakasama o nakakasalamuha ni Jake.
Eh, pa’no ‘yung hindi siya nakikita nang live? Pa’no ‘yung mga nakakabasa lang? Ano’ng iisipin no’n? Na makyoho talaga ang dyiningaers ni Jake, ‘di ba?
Naku, ‘wag naman sanang dumating ang time na merong bigla na lang lalapit kay Jake at sasabihing, “Jake, ang baho ng hininga mo!” Naku, magugulpi nang bonggang-bongga ni Jake ‘yon, promise.
Siyempre, nakakapikon kaya ‘yun, ‘no?! Sabihing ang syoho-syoho ng hininga mo kahit hindi naman true, ‘no?!
So, siguro ang maipapayo namin dito kay Jake, eh, tantanan niya muna ang pagyoyosi nang grabe, dahil nangingitim na ang bahagi ng labi niya at pati ‘yung gums niya, medyo nangungutim na rin.
Saka kung true na mahogany films ang dyiningaers ni Jake, eh, merong iniinom na capsule for that. Bongga ‘to, nabibili sa GNC. Kasi, niregaluhan namin ang friend namin nito, talagang epek!
Ang pangalan: Chlorophyll.
(Hoy, GNC! Kailangan, meron akong discount next time, ha? Free plugging ang byuti n’yo!)
Oh My G!
by Ogie Diaz