ALL THAT we read in the papers about the AlDub loveteam ay ang tungkol sa aabot na isandaang milyong piso—or even more—bilang bayad sa pag-eendorso ng pulitikong tatakbo on national level.
Pero ni isang pulitiko has not been named, but isn’t the AlDub connection to reelectionist Tito Sotto a telling sign na ang nakakuha sa tambalang ito ay ang independent party na nagsusulong kina Senators Grace Poe at Chiz Escudero for President and VP, respectively?
Pero hindi ba’t hayagan ang pag-amin ng kampo ng dalawang senador na wala silang resources kumpara sa makinarya ng kanilang mga kalaban? Kaya bang magbayad nina Grace-Chiz ng P100M? O, secondary na lang sa AlDub ang ibabayad sa kanila because of Sen. Sotto?
Meanwhile, we have yet to be enlightened tungkol sa pagkakaiba ng kasuotan ng mga kapatid nating Muslim at ng mga Arabo. Sotto—along with Eat Bulaga co-host Joey de Leon—has been socially-media attacked by a certain Omar Issa dahil umano sa kanilang bihis sa Halloween episode ng EB.
Sumisimbolo raw kasi dapat ang kasuotang ‘yon sa pananampalataya kay Allah, at hindi dapat ginagamit sa katatakutan.
Sumunod na rin mismo ang ARMM Governor na humihingi ng public apology mula sa dalawang hosts. While JDL is unusually mum on this controversial issue, Sotto stands his ground: wala raw dahilan para mag-sorry dahil what he and JDL donned were Arab garbs.
Where lies the difference?
Katwiran pa ni Sotto, hindi rin daw ba ginagawang costume ang mga bihis ng pari’t madre? Based on his line of reasoning—dahil tumatakbong muli si Sotto sa pagka-Senador—sana’y makakuha siya ng mga boto mula sa mga kapatid nating Muslim.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III