Tiyak na magre-react siya… INTERBYU KASI SA ANAK, NI-REJECT NI TV PERSONALITY!

SARIWA PA SA ALAALA ni Julio Diaz ang pagsadya noon ng Startalk sa kanyang tahanan sa Meycauayan, Bulacan. Naging isyu kasi ang pamumulot na lang daw ng mahusay na aktor ng mga nagkalat na bato sa lansangan, implying that he had gone wayward dahil umano sa kanyang drug-related problem.

Ilang minuto rin naming nakahuntahan si Julio, bago kami isinalang sa taped episode ng programang Full-Time Moms na ang paksa ay tungkol sa mga pinagdaanang ‘dirty jobs’ ng mga panauhin ng mga hosts na sina Christine Jacob at Suzi Entrata-Abrera

At 52, matikas pa rin ang pangangatawan ni Julio, talupan mo siya ng kanyang semi-formal outfit na suot-suot niya sa kanyang guesting na ‘yon, puwede pa rin siyang pagnasaan ng mga nagkakandarapang baklang daddy-daddy ang tipo. Elektra complex, as you put it.

Ipinagtataka ni Julio kung bakit ikinukunek ang kanyang ‘stone collection’ sa kanyang mental state dulot umano ng pagdodroga. “1998 pa nung inamin ko na nagda-drugs ako. ‘Pag inimbita  kasi  ako noon  sa isang party,  tatlo  ang   inihahanda sa akin: pagkain, alak at drugs. Lahat ‘yun, tinitikman ko. Pero ang tagal na nu’n, kaya nagtataka ako kung bakit kelan lang ‘yon naungkat,” malumanay na himutok ni Julio.

Binanggit ko kay Julio na ako ang sumulat ng VTR script na ‘yon base sa interbyu ng Startalk, na noon bang sinadya siya sa kanyang tahanan ay humarap siya sa reporter nang naka-underwear lang?

“Hindi, ah! Naka-shorts ako noon. Kung naka-brief lang ako, eh, ‘di nakita sana ang bilat ko!” sey ni Julio.

‘Bilat’… teka, hindi ba’t Visayan term ito ng ari ng babae? Julio was quick in his semantic defense. “Ang ibig sabihin ng ‘bilat,’ eh, large chunk of a human body part. Sa Bisaya, ‘puday’ ang tawag sa pekpek.”

At least, may natutunan ako kay Julio!

BLIND ITEM: TIYAK na magre-react ang palaban ding singer-actress (SA) ‘pag narinig niya ang tinuran ng isang sikat na TV personality (TVP) patungkol sa kanyang anak na babae, na isa ring sikat na aktres (A). For purposes of brevity, tatawagin ko sa mga initials ang mga karakter sa kuwentong ito.

‘Eto ang tsika. Kasado na ang interview kay A ng programang hawak ni TVP. For the first time, sa naturang palabas eksklusibong ilalantad ni A ang relasyon nila ng isang guwapong aktor.

Nagkakaisa ang creative team, tamang-tama raw sana ‘yon para sa Valentine episode ng kanilang programa. Interview schedule at venue na lang ang dapat ayusin.

All set para sa naturang panayam, binalikan ng staff si TVP para sabihing arrangements for the interview details just had to be made. Pero mahigpit ang order ni TVP: kanselahin ang interview. Buwelta nito sa kanyang staff: “I don’t like her (A), she belongs to a pretentious family!”

Nu’n lang napagtanto ng kanyang staff ang ugat ng pagkaimbiyerna ni TVP kay A, at ano ang maliwanag na dahilan? May common denominator kasi sina SA at TVP in terms of the men they chose to marry.

Another clue: sa iisang TV network lang nagtatrabaho sina SA at TVP, isama na ang anak ni SA.

MAY LOVE POTION, may amulet, may kulam, maraming paraan para mapaibig mo ang isang taong kinababaliwan mo. Pero sa episode this Sunday (March 6) ng Pidol’s Wonderland, kakaiba ang ginamit na paraan ng karakter ng binatilyong si ‘Homer’ para mabighani ang kaklaseng si ‘Elaine’ (played by Ella Cruz).

May pamagat na ‘Gayuma ng Gitara’, Homer gets hold of a magic guitar that whenever he plays it ay sandamakmak na babae ang naghahabol sa kanya except for Elaine! Ano kaya ang gimik ni Homer to finally win Elaine’s heart?

Tampok din sa naturang episode sina Paul Salas, Miguel Tan, Khen Aldovino, SexBomb Cheche at Ana Vicente.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMOYMOY PALABOY, GAGAWA NG SHOW SA MEXICO!
Next articleKOMEDYANTENG BADING, UGALING BABOY!

No posts to display