NO DOUBT, THE Philippines’ Azkals football team is kicking its way to stardom. In their own right, mga celebrities na sila who have made a successful crossover from sports to showbiz, and what’s next?
With the team’s inarguable success, however, comes a sprawling football field of intrigues. Lately, ang hindi pag-cover ng sportscaster na si TJ Manotoc on the Azkals’ daily grind has cost him his job.
Sa GMA-7, it’s Chino Trinidad who’s giving us every move and groove of Azkals, samantalang si TJ naman ang nakatoka sa ABS-CBN. Before the team left for Japan, even prior to that ay si Chino na ang tutok na tutok sa mga ensayo ng Azkals to prepare itself for another match in freezing cold Mongolia.
Naloka raw ang news desk ng ABS-CBN nang umere sa GMA-7 ang ulat ni Chino, himself close to being an Ice Man, sa isang bahagi ng Star City kung saan nagte-training ang Azkals. As if the team’s recent Baguio training under extreme cold weather was not enough ay pinag-ensayo sila sa literal na nagyeyelong lugar.
For TJ who’s tailing behind the team anywhere it goes, paanong nakalusot ang eksenang ‘yon sa Star City?
Ang ending: demoted si TJ! Ibang sportscaster na ang ini-assign para mag-cover sa Azkals… and I could just imagine’s TJ’s cold feet as well!
DESPITE THEIR “SOCIAL differen-ces”, swak na swak bilang mag-co-hosts (not necessarily cohorts) sina Lolit Solis at Tim Yap sa Tweetbiz Insiders. Tim knows how to charm his way through ‘Nay Lolit, at ‘yun ay sa pamamagitan ng “bribery” ni Tim as his way to make up for his fashionable tardiness on the set, ranging from food to freebies to friendship.
Pero alam n’yo ba na isang bagay lang ang puwedeng pag-awayan, well, not in the near future, nina ‘Nay Lolit at Tim? ‘Yun ay ang magkaiba nilang “travel rituals” when leaving for abroad.
Nitong Lunes, papalipad patu-ngong South Korea si Tim for an engagement, time of departure was 5 pm, pero mag-a alas tres na ng hapon ay nagte-taping pa kami for Tweetbiz Insiders! “Kaya ‘yan,” Tim assuringly told us. To think na uuwi pa pala siya sa kanyang tinitirhan para mag-empake pa lang! “Kaya ‘yan,” walang katensiyon-tensiyon na sabi pa ni Tim.
Dayalog ni ‘Nay Lolit: “Alam mo, Tim, kung magkasabay tayo mag-abroad, mag-aaway lang tayo!” ‘Nay Lolit kasi makes it a point to be at the airport three hours before departure time. Maging ang co-host din nila na si Gelli de Belen ay nate-tense para kay Tim, ourselves included.
At exactly 4:24 pm., I got a text message from Tim: “Yahoo! Made it to my flight! Called the GM (general manager) of Cathay pa not to close the gate.”
Ikaw na ang maging Tim Yap!
MAGLALABU-LABO NA BUKAS at sa Linggo ang walong Hall of Famers at isang Wild Card finalist sa tinaguriang Ultimate Battle of the Champions sa Talentadong Pinoy ng TV5.
Live from the Ynares Center in Antipolo, slugging it out in the grand finals are Beatbox Gor, Joseph the Sand Artist, The Believers, New Born Divas, Sfazhiva, Zion Show, Fire Attraction and RR Friends.
Samantala, travel to fantasy world sa episode this Sunday ng Pidol’s Wonderland na pinamagatang “My Guardian Devil”. Umiikot ang kuwento kina Tonton (Elijah Magundayao) at Didoy (Ryan Gilo) na hindi maintindihan kung bakit kailangan nilang sumunod sa mga batas ng kanilang komunidad.
Mamumulat lang ang mga isip nina Tonton at Didoy nang makilala nila ang mga “friendly guardian devil” na sina Keyos (Julian Trono), Inggit (Martin de los Santos) at Gaya-Gaya (Josh Tecson).
Ang mga demonyong ito ang nagbuyo sa mga bida na lumabag sa batas resulting in a community problem. Kung paanong malulusutan nina Tonton at Didoy ang perhuwisyong pinasok nila ang tampok sa Sunday’s episode ng Pidol’s Wonderland.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III