MAHIGIT isang buwan na rin naka-implement sa Pilipinas ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa dahil sa Covid-19. Ilan sa mga artista na nag-initiate ng fundraising o pagtulong sa kapwa ay ang lead stars ng classic family movie na ‘Four Sisters and a Wedding’ na sina Angel Locsin at Bea Alonzo.
Ilang Linggo na rin aktibong tumutulong si Angel Locsin sa pagpapatayo ng mga sleeping tents para sa mga frontliners natin sa mga ospital at kamakailan lang ay inanunsyo nito na fully-funded na ang kanilang proyekto. On the other hand, si Bea Alonzo naman ay naghanda ng mga pakain at nagtrending pa ang ‘Bobbie’, ang pangalan ng karakter ng aktres sa pelikula.
Dahil sa very public na pagtulong nina Angel at Bea ay may ilan na namang mga intrigero na hinahanap si Toni Gonzago o Teddie Salazar at bakit daw hindi ito tumutulong tulad ng mga kapatid niya? Nasaan din daw si Gabbie na ginampanan ni Shaina Magdayao?
Noong nakaraang Linggo ay bwineltahan ni Toni Gonzaga ang mga netizens na nagbabato ng pagmumura sa kanyang Instagram page. Bakit daw hindi nila nakikita si Toni na tumutulong unlike her younger sister Alex Gonzaga na kahit na binabash ng ilan ay walang tigil sa pagtulong?
This time, mismong si Alex Gonzaga na ang bumuwelta sa mga negatron at dinipensahan ang ate niya na tahimik na tumulong sa kapwa.
“Teddie Salazar walang kwenta pero yung Toni Gonzaga dami na naitulong di lang sya mapost. Ako magpopost teka lang”
“The 4th batch of our 1k relief goods is from my sister. She has been continuously helping without posting anything.”
Inisa-isa rin ni Alex ang mga ginawa ni Toni na pagtulong:
“She has built and renovated different churches, has scholars and regular feeding program for kids. Ako nalang magpost kasi im so proud of my generous Ate! <3” proud na sambit ng younger Gonzaga.
Kahit si Vina Morales ay ipinagtanggol ang kapatid na si Shaina, na tumulong din sa kapwa sa pamamagitan ng pagdodonate sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City. May ilang posts din sa Shaina sa kanyang personal page kung saan hinihikayat niya ang mga followers niya na mag-donate sa ilang charitable institutions lalo na ang mga pamilya ng mga batang may cancer.
Sa totoo lang, walang responsibilidad ang mga celebrities natin at hindi dapat natin sila pinipwersa na tumulong. Magpasalamat na lang tayo kung makatanggap tayo ng ayuda sa kanila at hindi rin naman lahat ay pinopost sa social media, noh! Minsan nga ay mas kaduda-duda pa ang mga nagpapapiktur sa mga less-fortunate Pinoys bago maabutan ng grasya. Huwag na nega, please!