Toda Max: ang pagbabalik ng kapamilya comedy

MULI AY INIMBITAHAN tayo sa isang launching at press conference ng ABS-CBN upang pormal na makita ang dalawang bida ng TODA MAX. Na tila ang paksang ito tungkol TODA ng traysikel. Bagama’t wala roon si Pokwang sa oras na ‘yon, masayang pinag-usapan ang tungkol sa bagong wholesome at classic sitcom. Gayunman, ang Idol ng Bayan na si Robin Padilla ay isa-isang tinatanong ng mga kasamahan nating press kabilang na ang inyong lingkod.

Tanong ko kay Robin, “Robin, noon ay black & white pa ang TV namin, mga 80’s ito. Bagama’t baguhan ka pa lamang noon, kita ang ang-king galing mo sa pelikula na pinatunayan mo na sa mga palabas mo sa pelikula at telebisyon. Pero, papaano mo napapanatili ang pagka-baby face mo? Astig ka ba?” Tugon naman ng bida, “Alam mo kapatid, suwerte ko’t maraming nagmamahal sa akin,” pabiro niyang sagot.

Astiiig! Ang idol ng bayan. Bagama’t may nagpainit sa kanyang ulo nang mabanggit ng isa nating kapatid na showbiz reporter ang tila hindi niya natuloy na pelikula dahil ayon sa kanya hindi naman niya ito inatrasan kundi siya ay nagbigay lamang, iba ‘yung umatras. Sa kalinawan ng paksang ito, nag-request na ako ng one-on-one interview kay Robin Padilla.

Buong pusong iniha-handog ng ABS-CBN ang tila paghahari nito sa komedya kaya’t  inihahandog nito ang pinakabagong dagdag sa numero unong Kapamilya Comedy, ang “TODA MAX,” na pinagbibidahan ng “Idol” ng bayan na si Robin Padilla, Prince of Comedy Vhong Navarro at Pokwang. Matapos ang natatanging pagganap sa hit primetime series na “Guns and Roses,” nagpahayag ng pagkasabik

si Robin, lalo’t makakatrabaho niyang muli ang kaibigang si Vhong. At personal naman ang kahilingan ng idol ng bayan na muli nga itong makasama sa nabanggit na sitcom at pabirong nagbawas siya ng talent fee makasama lang niya si Vhong Navarro.

Matatandaang unang nagsama ang dalawang aktor sa isang sitcom noong dekada ‘90, na naging daan sa pagyabong ng karera ni Vhong bilang regular na sidekick ni Robin sa kanyang mga pelikula. Ang de-kalibreng sitcom na ito ay pihadong magpapatawa sa masa lalo na tila hinuli nila ang pulso ng masa bagama’t may pagkakaiba ito sa mga dating komedya. “Ang pagre-reinvent na rin sa sarili, lalo’t sa nakalipas na mga taon ay puro soap opera at variety shows ang mga projects ko,” ani Vhong. Ito ay kuwento ng Amang si Tol (Robin) na makikipagsapalaran sa Maynila matapos mabiyudo sa misis. Kasama ang mga anak na sina Sandy at Ron-Ron, tutuloy sina Tol sa bahay ng kanyang pinsan na si Justin Bibbo (Vhong). Si Justin naman ay may-ari ng karinderia, na sa kabila ng kahirapan ay nangangarap na maging isang sikat na chef balang-araw. At si Tol naman, bilang seryoso at matapang, matibay ang panininidigan samantalang si Justin naman ay makulit at palatawa. Dito makikitang nagtutulungan sila sa isa’t isa sa pagpapalaki kina Sandy at Ron-Ron. Gagampanan naman ni Pokwang ang papel ni Lady G, isang dating mahirap na naging mayaman at nanghahamak kay Justin. Sa pagpasok ni Tol sa eksena, mababago ang lahat dahil iibig si Lady G sa gwapong biyudo. Tampok din sa “TODA MAX” sina Canillo, Aaliyah Benisano, Jobert Austria at Darwin Tolentino, sa ilalim ng business unit ni Raymund Dizon, kasama ang production manager na si Cynthia Jordan, creative manager na si Rhandy Reyes at executive producer Rocky Ubana. Huwag palampasin ang “TODA MAX” na magsisimula sa Nobyembre 5, bago ang “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleBox Office Rivals!
Next articleAi Ai delas Alas does the ‘Nahiya’

No posts to display