HINDI NAGDALAWANG-ISIP SI Madam Susan Roces nang ialok sa kanya ng GMA-7 ang first ever Christmaseryeng Sana Ngayong Pasko na uumpisahang ipalabas ngayong gabi, Lunes.
Isang maagang Christmas gift namang maituturing ni Direk Mike Tuviera ang seryeng ito, dahil hindi raw niya maituturing na isa siyang ganap na direktor kung hindi niya maha-handle sa isang project ang “Queen of Philippine Movies.”
“I was raring to direct Da King FPJ too. It’s unfortunate na pumanaw na siya. Pero, with The Queen, kumpleto na ang ambisyon ko,” pahayag niya.
Hindi tuloy maiiwasan na pagbutihin niya ang bawa’t araw ng taping. Ayaw niyang masayang ang pagkakataon. It’s hard enough to direct a queen, but he has to make it easy for her para walang maaksayang oras. May mga eksena kasing posibleng mahirapan si Manang Inday, pero gagawin daw niya itong madali.
Para naman kay Manang Inday, hindi na niya iniisip kung mahihirapan siya sa ilang eksena. “Ang nasa isip ko lang, it is very rare na makatanggap ng isang tulad nito. Nakalimutan kong may mga limatations na rin pala sa edad kong ito. But I was so thankful, dahil mayroon pala silang strategy para maging magaan para sa amin ni Eddie (Gutierrez) ang eksenang pag-akyat sa bubong habang pataas nang pataas ang tubig-baha.”
Naka-excite din kay Manang Inday ang co-stars niyang sina Christopher de Leon, Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, TJ Trinidad, JC de Vera, Maxene Magalona, JC Tiuseco, Yna Asistio at Jacob Rica. Ganu’n din sina Dante Rivero, Gina Alajar at Eddie Gutierrez.
LABIS-LABIS ANG pasasalamat ni Krista Ranillo sa Philippine Airlines personnel sa pag-aalaga sa kanya nang sumakay siya mula Los Angeles, hanggang sa dumating siya sa Maynila kahapon, Linggo ng madaling-araw.
“I was the last person to board the plane sa L.A. at unang inilabas pagdating ng Maynila. I felt like someone na babarilin sa security na ibinigay nila sa akin na hiniling ng aking pamilya, lalo na ng lola (Gloria Sevilla) at mom (Lynda Tupaz-Ranillo),” aniya nang makausap natin bandang alas-9 ng umaga kahapon.
Kahit groging-groge sa biyahe, naghanda agad siya para pumunta sa shooting ng Wapakman. Nagpapasalamat si Krista sa kanyang producer, Solar Films ni Wilson Tieng at manager (Arnold Vegafria), ‘pagkat ginawang 3 P.M. ang naka-sked na 10 A.M. shooting niya sa isang undisclosed place.
Walang alam si Krista kung ano ang kukunang eksena at kung sino ang makakasama niya sa shooting nang araw na ito. Ang tanging alam niya, tuparin ang commitment niya sa Solar Films, sa ABS-CBN para sa Agimat series at promo para sa kanyang wine commercial.
“I need to work,” tangi niyang pahayag. “Pagod na pagod na ako sa pag-alala sa aking trabaho. I have worked so much para magkaroon ng career sa showbiz, alam naman ng lahat iyon.”
Ang tanging kasama ni Krista sa biyahe ay ang kanyang Tita Suzette (Ranillo). Naiwan sa L.A. ang mom at dad niyang sina Lynda at Mat, para sa kapatid niyang si Trixie na kao-opera pa lang.
BULL Chit!
by Chit Ramos