May bagong project ang mother ng ToFarm Film Festival na si Dr. Milagros How. Ito ay ang ToFarm Songwriting Competition. Ayon sa kanya, mas lalong mapayayabong ang kanyang advocacy na bigyang-pugay ang mga magsasaka sa ToFarm Songwriting Competition dahil it will create more awareness and give recognition sa agricultural sector ng bansa.
During the press launch of ToFarm Songwriting Competition, nagkaroon ng konting pagkalito kung isasali ba sa contest ang mga previous winner ng iba’t ibang songwriting competition ng bansa. Baka raw kasi puro sila na rin lang ang manalo knowing how good they are at talagang beterano na sa paglikha ng kanta.
Sa guidelines kasi ng ToFarm, open ang competition sa lahat – professionals and amateur songwriter, kaya baka masapawan ng mga datihan ang mga baguhan. Pero nilinaw ni Dr. Milagros na gusto nilang maka-discover ng mga bago at magagaling na songwriter kaya ang priority nila ay ‘yung mga amateur.
Para nga huwag magkaroon ng kalituhan, balak pa niyang ihiwalay ang amateur sa professionals, pero hindi namin sure kung magagawa pa nila ito gayong gahol na sa oras at meron na silang deadline which is on Nov. 18 na.
Ang theme ng songwriting contest ay “Planting the seeds of change”.
La Boka
by Leo Bukas