Naaalala ko noong nagsisimula pa lang ang Backroom. Napakahirap. At one point, hindi kami maka-afford ng telephone lines kaya minsan sa payphone sa sari-sari store pa ako nakikitawag. Backroom’s journey is full of fun, pain, laughter, tears and little meaningful successes. Throughout the years, friendship blossomed, new acquaintances made and doors opened. Isang pamilya ang turingan ng mga artista at staff sa Backroom. Although hindi maiiwasan na may mga nagpapaalam, mas sumasaya naman kapag may mga bagong dumarating.
Katulad na lamang ng Pinoy Big Brother Double Up housemates na sina Tom Rodriguez at Hermes Bautista na kino-co-manage ng Backroom with ABS-CBN’s Star Magic.
Tom and Hermes caught the public’s attention nang sila ay sumali sa top-rating reality program na PBB kung saan tumatak ang kanilang imahe sa publiko. Si Tom ay na-evict dahil sa kanyang emotional outburst habang ginagawa ang isang group activity. Mala-Adonis naman si Hermes who stood out because of his long and luscious hair. Medyo naging chickboy siya sa loob ng Bahay ni Kuya because of his romantic rendezvous with Kätlin Laas of Big Brother Finland. Na-involve din siya sa isang love triangle with fellow housemates Cathy Remperas and Carol Batay.
Tom and Hermes both lived in the US. Nag-migrate si Tom sa Amerika when he was 12 years old with his mom and dad who is a US Navy serviceman samantalang ipinanganak naman si Hermes sa Amerika, pero lumaki sa Pampanga at muling nagbalik sa San Diego, California. Both auditioned for PBB in San Francisco, California.
Um-exit man sila sa Bahay ni Kuya ay hindi naman doon nagtapos ang kanilang mga pangarap. Sa katunayan, ito ang nagbukas ng pinto para sa kanila upang lalong makilala sa showbiz. Sabi nga, kapag kumatok ang pagkakataon, papasukin mo. At ito ang ginagawa ngayon nina Tom at Hermes. Madalas na sila ngayong napapanood sa mga ABS-CBN shows gaya ng Precious Hearts Romances at Your Song. Si Tom ay napanood kamakailan sa Precious Hearts Romances Presents Love Me Again katambal si Valerie Concepcion. Kasama siya sa cast ng pelikulang Here Comes the Bride na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Eugene Domingo. Si Hermes ay mapapanood sa Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Elias Paniki.
“I am really happy because I am now one of Backroom’s and Star Magic’s talents. I am thankful to be given this great opportunity. I am looking forward to an exciting career,” says Tom. “I’ll try my luck in showbiz. I know I’m in good hands now that I’m with Star Magic and Backroom,” enthuses Hermes.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda