MARAMI RAW ang nagulat sa pagbabago ng attitude ni Tom Rodriguez sa kanyang mga masugid na tagahanga. Kung dati-rati raw ay hindi ito namamansin ng kanyang mga tagahanga at kung minsan ay iniiwasan nito kapag meron siyang pagtatanghal sa Metro Manila man o sa probinsiya, pero ngayon daw ay super lapit na ito sa kanyang mga fans at nagbibigay ng oras para batiin at kumustahin ang mga ito.
Mukhang tinamaan daw ito at ang kanyang malditang handler na nagngangalang Jackie na siyang dahilan daw kung bakit parang nagmamadali si Tom na umalis sa tuwing makakakita ng mga fans na naghihintay sa kanya. Dahil ang pagiging snob nito dati sa kanyang mga fans ay napalitan ng pagiging magiliw nito.
Tsika nga ng aming source, sa taping daw ng bagong game show nito sa GMA, kitang-kita raw niya ang paglapit at pagiging magiliw ng host/actor sa kanyang mga fans na nagpapakahirap na pumunta sa kanyang taping at shows at nagpapakapuyat para makita at makausap man lang siya.
Gawad Kabataan hosts Justine Lee at Jonathan Solis, memorable ang pag-attend ng Star Awards for Music
UNFORGETTABLE EXPERIENCE daw para sa mga host ng Gawad Kabataan na sina Jonathan Solis at Justine Lee (Gawad Kabataan youth ambassadors) ang kanilang unang pag-attend ng 6th PMPC Star Awards For Music 2014 na ginanap last Sunday sa Solaire kung saan nasaksihan ng mga ito ang magarbo at engrandeng pagbibigay-parangal sa mga baguhan at sikat na singers sa bansa.
Kaya naman daw pangarap ng dalawang teen hosts na sana raw ay dumating ‘yung time na manalo rin sila ng award sa mga susunod na trabaho na gagawin nila lalo na’t nakatakda silang magkaroon ng sarili nilang album, TV show at indie film.
Ilan sa mga singers na na-starstruck sila nang kanilang makita nang personal ay sina Ms. Leah Salonga, Gloc 9, Abra, Mr. Gary Valenciano, Mr. Ryan Cayabyab, Sarah Geronimo, Erik Santos, Angeline Quinto, Yael of Sponge Cola, Jonalyn Viray, Chad Borja, Maja Salvador, Christian Bautista, Princess Velasco, Voice Kids, Pops Fernandez, Kris Lawrence, atbp.
Sa ngayon, busy sa pagtulong sa mga kabataang mahihirap via Gawad Kabataan (YouTube show), isang charity program na silang dalawa ang host at napapanood sa Celebrity Channel, kung saan nililibot nila ang buong Pilipinas para tumulong sa katulad nilang kabataan na hirap sa buhay.
Ilan sa benefeciaries ng Gawad Kabataan ay ang Aguho Elementary School – Cesar Blansa, Jr., Mascap National High School – Rhea Liquim Dalagan at Maribel Corollu. At balita namin laging trending sa Twitter ang 3 shows na ito ng SMAC TV Productions.
John’s Point
by John Fontanilla