INABOT NG madaling-araw ang taping ng pilot episode ng bagong franchise game show ng GMA hosted by Tom Rodriguez.
Understandably so, dahil unang-una, it being a local version of a foreign show ay dapat swak ito sa original format nito in all aspects. Secondly, natural lang na anumang programa—ke franchise o hindi—is going through birthing pains.
Pero sa kaso ng show ni Tom, it gave “birth” to the reality na sila na nga ni Carla Abellana, this despite their ho-hum, persistent denials.
Providing moral support kasi sa taping na ‘yon was the conspicuous Carla who patiently stayed hanggang matapos ang taping. For any girl to do that nang walang karekla-reklamo sa tagal ng taping hours—gayong hindi naman siya bahagi ng show—must be a telling sign kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ng boy.
Kunsabagay, Carla and Tom have—in fairness—earned the public kilig dahil sa totoo lang, bagay sila like a pail to a shovel.
ISA SA mga panukalang batas na isinusulong ni Senator Bong Revilla Jr. sa Senado months before the PDAF scam broke out ay ang sampung porsiyentong diskuwento para naman sa mga tinawag niyang “junior citizen.”
As we all know, ang mga kababayan nating sumasampa na ng edad sisenta are considered senior citizens, as such, they enjoy 20% discounts sa pagbili ng gamut, pagkain sa mga restoran at maging sa panonood ng sine in some areas.
Bong’s Senate bill—if passed into law—allows the junior citizens or those who reach the age of 55 to enjoy half (10%) of the benefits na tinatamasa ng mga 60 years old and above. Not bad.
Aminado ang inyong lingkod that we’re barely three years away sa edad na 55, at dahil sa aming pagkakaospital just recently made us realize the importance, if not the urgency na maisabatas sana ang bill na si Bong ang pangunahing may-akda.
If so, malaking tulong ito sa mga junior citizen lalo pa’t ikinagulat namin ang polisiyang ipinatutupad ngayon ng Philhealth that took effect last January 2014 kasabay ng kanilang pagtataas ng quarterly payment from P450 to P600, na dating P300 years ago.
Ang siste, hindi na mahigit 20% ang ibinibigay na diskuwento ng Philhealth for confined patients, but rather the computation is based on the patient’s medical case. Wala nang saysay ang room rates, lab tests o anumang procedure kung saan laking kaginhawaan sana ang kabawasang ‘yon sa isang pobreng pasyente.
What’s even more ironic, kung kalian nagtaas ng singil ang Philhealth ay saka naman sumablay ang serbisyo nito to think that it’s a government health insurance company that should address the needs of every infirmed Pinoy.
Ayon sa mga nakausap naming medical staff sa pagamutan kung saan kami naka-confine sa loob ng labing-isang araw, every hospital is having a difficulty in collecting from Philhealth. Ang tanong: paanong nangyari ‘yon? Saan napupunta ang pondo mula sa mga ibinabayad ng mga Philhealth members?
Is this another case of siphoning off public funds ng ilang mapagsamantala’t tiwaling kawani ng gobyerno?
Imagine, ang nadiskuwento lang ng inyong lingkod based on the computation of Philhealth was a measly P5,500 considering that our hospital bills, kasama ang binayaran naming PF (professional fees) sa limang doktor, were close to P390,000?
Magsilbing panawagan ito sa mga kinauukulan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III