NASA HIGHEST level ngayon ang career ni Tom Rodriguez dahil may bago siyang gameshow sa GMA7, ang Don’t Lose The Money. Ito’y magsisimula on September 22 (Monday – Friday).
Say nga ng Kapuso Prime leading man,” Sobra, nakaka-excite dahil this will be my first time to host a gameshow. Aside from the challenges for the competing teams, Don’t Lose The Money aims to inspire viewers na maging mas madiskarte so they can achieve thier goals in life.”
Nag-research pa pala si Tom kung papaano maging effective as gameshow host. Almost everyday nanonood siya ng international game shows on TV. Pinag-aaralan niyang mabuti kung paano magsalita, kumilos at gumalaw ang isang magaling na game show host. Kailangang relax, alam mo ‘yung concept ng show, mechanics ng games at dapat confident ka on stage.
Nang malaman ni Tom na may bago siyang show sa Kapuso network, agad-agad nitong tinawagan si Carla Abellana para ibalita ito. Hindi na nga raw niya nahintay ang taping ng My Destiny para personal nitong masabi sa dalaga ang good news. Siyempre, gusto ni Tom, i-share agad sa taong mahal niya ang bago nitong game show.
“She’s happy for me, very supportive whatever I do. Nand’yan lang siya palagi if I needed her,” say ni Tom.
Kahit obvious namang may mutual understanding na sina Tom at Carla, hindi mo mapaamin ang dalawa. Iba kasi ang body language nila. Nag-uusap ang kanilang mga mata kapag pinapanood natin sila. Ramdam naming love nila ang isa’t isa. Hindi akting-akting lang ‘yung pagiging sweet nila sa serye. Natural ang bawat eksena lalo na ‘yung mga sweet moment nila together.
Mas naibibigay ni Tom ang emotion kailangan sa eksena dahil totoo namang may special feeling ito kay Carla at alam natin ‘yun. Ayon sa hunk actor, hindi pagkukunwari ‘yung nakikita natin on TV screen na sweet moment nila together dahil totoo ‘yun. Nagkataon lang na naging daan ‘yung scene para ma-express raw ni Tom ang totoong nararamdaman niya para sa dalaga. May mga dialogue raw na totoong-totoo at feel na feel ng binatangbinibigkas nito sa harapan ni Joy (Carla).
After the take nga, sasabihin agad ni Tom kay Carla nang pabulong, “Totoo ‘yung sinabi ko, I love you. Smile lang siya sa akin. Sa totoo lang, willing akong maghintay, hindi ako nagmamadali. If you love the person, willing kang maghintay… Masyado pa sigurong maaga for us to have a relationship. Okay naman kami sa friendship that we have. Tulad ng madalas kong sabihin, ayaw kong madaliin ang mga bagay-bagay. Darating din ‘yun sa tamang panahon. Pareho naman kaming busy kaya focus muna tayo sa work,” kuwento ni Tom.
PINATUNAYAN NI Wenn Deramas ang pagiging versatile director nito sa first horror-drama film niyang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema. Exciting, thrilling at full of suspense ang bawa’t eksena. Hindi lang comedy, drama, action fantaserye ang kaya niyang gawin, kahit horror-drama pasok sa banga. Maganda ang naging reaction ng manonood sa premiere night ng MLT last Tuesday. Kinabog, natakot at nagulat ang manonood sa kani-kanilang upuan sa bagong obra ni Wenn D. Present ang buong cast ng MLT na sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Cris Villanueva, Isabel Lopez, Atak, Arnell Tamayo, Joey Paras, at Direk Wenn.
Outstanding ang acting performance nina Iza, Jodi at Zanjoe sa mga dramatic scene nilang tatlo. Nakaka-thrill ang bawa’t eksena, maraming nangyayari. Mabilis ang facing ng pelikula, may istorya kaya sigurado kaming papatok ito sa takilya. “Sobrang happy ako sa MLT dahil nagustuhan ng manonood ang pelikula ko. Ang gagaling nina Iza, Jodi at Zanjoe, naibigay nila ‘yung gusto kong mangyari sa eksena. Si Cris Villanueva ang husay niya rito, bagay sa kanya ‘yung role,” say ni Direk Wenn.
Ngayong nailuwal na ni Direk Wenn sa kanyang sinapupunan ang Maria Leonora Teresa. Balik-comedy na naman ang box-office director. Katatapos lang niyang gawin ang Moron 5.2 na pinagbibidahan nina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, Matteo Guidicelli at DJ Durano ng Viva Films na ipalalabas this coming November. Tinatapos naman ni Direk Wenn ang Praybeyt Benjamin 2 ni Vice-Ganda at Bimby na kalahok sa Metro Manila Film Festival this December. Kaloka si Direk, sunud-sunod ang mga pelikula niyang ipalalabas. Well, sinong director ang puwedeng gawin ang nagagawa ni Wenn Deramas? Magsalita ka, Elmer?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield