GAANO KATOTOO ang nasagap naming balita na nakaranas din ng pandedeadma ang mga taga-Davao mula sa Kapuso Star na si Tom Rodriguez nang minsang mag-show roon ang actor.
Tsika nga ng aming source na pagkatapos na pagkatapos ng performance ni Tom ay dali-dali itong umalis hatak-hatak ng maldita daw nitong handler.
Kaya naman daw nawalan ng pagkakataong makamayan man lamang at makita nang malapitan ng mga fans ang kanilang iniidolong artista.
Nakuntento na nga lang daw ang mga tagahanga nito na super disappointed na sulyapan ang pag-alis ng kanilang idolong si Tom na akala nila ay mabait daw sa personal, ‘yun pala’y hindi. ‘Yun na!
Hiro Peralta, nanghihinayang dahil ‘di nakasama sa bagong teleserye
LAKING PANGHIHINAYANG daw ng Kapuso Teen Star at isa sa cast ng My BFF dahil hindi siya nakasama sa Strawberry Lane na mistulang reunion ng mga stars ng Tween Hearts kung saan isa si Hiro sa cast nito.
Tanging sina Jake Vargas, Bea Binene, Joyce Ching, Kiko Estrada, at Kim Rodriguez ang nakasama sa primetime show na pare-parehong galing sa Tween Hearts.
Ayon nga ka’y Hiro Peralta, masaya raw sana if pinagsama-sama silang lahat mulit para sa said show para daw kumpleto ulit ang barkada.
Bukod ka’y Hiro, hindi rin ka-join ang ilang Tween Hearts cast na sina Kristoffer Martin, Ken Chan, Lexi Fernandez, Louise Delos Reyes, at Derrick Monasterio.
Sef Cadayona, umaasang makatrabo ang mga comedy legend
HINDI RAW nawawalan ng pag-asa ang mahusay na komedyante na si Sef Cadayona na makakatrabaho niya ang mga itinuturing na mga comedy legend sa bansa na sina Vic Sotto, Michael V, Ogie Alcasid, at Joey Deleon sa pelikula.
Ang makasama raw ang mga ito sa bubuo sa pagiging komedyante ni Sef. Bata pa raw siya ay paborito na niya ang mga nabanggit na komedyante. At ngayon nga na nasa showbiz na siya, alam niyang mas madaling matupad ang kanyang pangarap na makatrabaho ang mga ito sa pelikula.
Sa ngayon ay regular na napapanood si Sef sa Buggle Gang, Vampire Ang Daddy Ko at Sunday All Stars.
John’s Point
by John Fontanilla