Tom Rodriguez, nagiging nega dahil sa manager

INIREREKLAMO NG ilang taga-TV production ang isang intrimitidang handler na bumubuntot sa mga raket ng mga alaga ni Popeye Caricature.

Jackie ang pangalan ng hitad na nag-aastang manager din ni Tom Rodriguez. Once, nag-guest si Tom sa isang show sa GMA kung saan ang treatment sana sa segment na ‘yon ay makakasama niya ang dalawa sa kanyang mga co-actor sa isang primetime series ng network, sina Victor Basa at Kevin Santos.

Walang problema kay Tom kung pagsamahin silang tatlo, in fairness, walang “prima donna attitude” ang aktor. Pero pumalag daw ang Jackie na ‘yon na agad tumawag kay Popeye. The latter seemed to also have resented the idea of mixing Tom with the two actors.

Kung magpapatuloy ang pagiging high-handed ni Popeye o ng kanyang mga tauhan, this will backfire on his artists. No wonder, kaya negang-nega noon si Marian Rivera was perhaps because of Popeye.

We dread the day na lalayasan din si Popeye ng iba pa niyang mga alaga!

Instagram war nina Gretchen Barretto at ‘Marjorie Kabit’, sobrang cheap!

 

SO VERY cheap.

Kulang pa ang phrase na ito to describe the raging social media (via Instagram) war between Gretchen Barretto and a certain “Marjorie kabit” believed to be Claudine. Gretchen has assumed this basher to be Claudine batay na rin sa mga patutsadang sagot nito in their trade of barbs that only they—as members of the Barretto family—are privy to.

Hindi na mahalaga who started it, but pardon this writer’s analysis: only members of a dysfunctional family (na sana’y hindi naman base sa mahusay na pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga disente’t edukadong magulang) could engage in such blatant mud-slinging with no regard for their blood relationship.

Isyu na ng kani-kanilang buhay with their respective partners ang sentro ng palitan ni Gretchen at ni “Marjorie kabit”. Kumbaga sa sunog na sa iisang komunidad lang ang napinsala, the fire has become huge, even widespread na maging ang ilan sa kanilang mga kadugo na hindi naman dapat masangkot get burned in the process.

Totoo nga yata ang kasabihang hindi lahat ng nasa alta sociedad are expected to possess social manners. Even the prettiest and the most educated in our midst ay maaari ring maging mga iskandalosang palengkera na walang habas na naglalako ng kanilang mga umaalingasaw sa baho as opposed to their supposedly revered image!

Pareho lang naman si Gretchen at si “Marjorie kabit” na mapagpatol sa mga sarili nilang isyu, but while both of them enjoy the convenience of social media as self-expression, one thing is most clear: palibhasa kapwa sila nakatengga at walang pinagkakaabalahang raket, hayun, Greta and “kabit” have all the time in the world for some SO VERY CHEAP self-indulgence!

‘Sweet’ na singer, malamang umasim dahil sa ‘transaksyon’ ni mister

 

BLIND ITEM: Hindi marahil aware ang isang mahusay na songstress kung paano makipagtransaksiyon ang kanyang dyowa.

Minsan kasing kinontak ng isang produksiyon ang singer for a guesting, pero parang tumatayong manager ang kanyang mister.

Kung tutuusin, puwedeng kumagat ang production sa P20k talent fee na hinihingi ng dyowa niya although by guesting standards ay OA ang halagang ‘yon to think na hindi naman ito pakakantahin.

Pero ang ikinaloka ng program staff ay nang meron pang demand ang dyowa ng singer. As a come-on to viewers, merong ipinamamahaging kitchen item ang palabas na ‘yon. At least five frying pans are out for grabs sa bawat episode nito.

Hindi pa nagkasya ang dyowa ng singer, baka raw may sobrang frying pan na puwede niyang arborin. Again, for sure, clueless ang singer sa mga business dealings ng kanyang dyowa dahil otherwise ang “sweet-sounding” na pangalan pa mandin nito’y maglasang maasim.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleRegine Velasquez, humihiling ng dasal para sa ama
Next articleDawn Jimenez, kinalasan ni Albie Casiño dahil nakipagkangkangan kay Gerald Anderson

No posts to display