AS AN ACTOR, marami pang gustong patunayan si Tom Rodriguez. Masuwerte nga masasabi dahil sa kanya napunta ang role ni Edward na isang plastic surgeon sa “The Significant Other” ng CineKo Productions with Star Cinema. First time niyang makakatrabaho sina Erich Gonzales at Direk Joel Lamangan. Happy din ang binata dahil balik-tambalan sila ni Lovi Poe.
“Yung mga characters na gusto kong gawin nagawa na ng ibang actors. For me, lalagyan ng bagong flavor para maiba ‘yung approach ng character na ipo-portray mo . Kumbaga, pipili ka ng salamin sa marami, a window to look for it. Sa story pa lang ang ganda na,dynamic siya lalo na nu’ng mabasa ko ang script, I’m so excited talaga. Naiiba ‘yung role compared sa mga roles na nagawa ko na. Demanding ang role very challenging,” bungad sa amin ni Tom.
Game si Tom kahit sinampal- sampal siya dito ng kanyang leading ladies. Katwiran niya, “Hindi naman ako nasaktan dahil makapal ang mukha ko ha! ha! ha!. Kung ano ang hinihingi sa eksena, I’m willing to do it. Kailangang maka-relate ang audience sa character na pino-portray naming tatlo. Maging effective to the viewing public.”
Opinion ni Tom sa mga babaeng kumakaliwa kahit married na ito: “Baka may pinagdadaanan, hindi mo napapansin na napapabayaan mo na siya dahil ‘yung guy naka-concentrate sa trabaho. Maraming factor… depende ‘yun sa babae.”
Describe Lovi as an actress?
“Very passionate and dedicated sa trabaho. We collaborate, we make it to the point na maguusap kami kung saan pupunta ang kuwento. Kung minsan kung ano ‘yung nasa script ‘yun lang. Pero alam namin kung ano ‘yung character na iniisip nila ng director. ‘Yung mga internal dialogue namin nasasabi namin minsan and it’s work for the scene. Hindi mo magagawa ‘yung kung ikaw lang, magagawa mo lang ‘yun kung magtutulungan kayo ng kaeksena mo.”
Masasabing blessing para kay Tom ang “The Significant Other” for the year 2018. May love scenes pa sila nina Lovi at Erich. I’m sure, kakainggitan siya ng kapwa niya lalake after watching the movie.
“Suwerte ko lang talaga at sa akin napunta ang character ni Edward . I’m lucky to work with such an amazing people like Lovi Erich and Direk Joel Lamangan. Their both passionate at ang gagaling nila.
“Wala kang magawa sa galing nilang pareho madadala ka sa eksena. Wala kang choice kung hindi i-try mo. I try my best na pumantay ako sa kanila. Mabuti na lang hindi sila madamot magbigay na advice at pointers.”
Preparation sa love scene? Biglang lumapit si Lovi ng marinig niya na tinatanong namin si Tom sa kanilang honeymoon scene. Agad na nagsalita si Lovi:
“Sabi ko nga kay Tom, huwag ka munang mag-toothbrash para malasahan ko ang champorado. Close friend kami ni Tom, relax na akong katrabaho siya. He’s such a gentlemen, aalalayan ka niya sa mga sexy scene namin.”
Banat naman ni Tom, “Nung bata ako, sabi ko , sana ako na ang nand’yan ( watching sexy scene) sa scene. Pero nang mag-artista na ako, dumating ako sa sitwasyon na ako na ang gagawa ng love scene may tensyon, nakakakaba. Kapag nandu’n ka na ang hirap, ang daming ilaw, ang daming tao nanonood sa inyo wala kang mararamdaman. Kailangang alisin mo sa sarili mo na ikaw si Tom. Kailangang naka-in character ka as Edward. Kailangang maramdaman ko ‘yung scene namin ni Maxene na nag-honeymoon kami.
“Sa room, may mga salamin pa nga, kita mo lahat ang different angles ninyo .Tumataas ang blood circulation mo, kailangan naka-focus ka sa gagawin mo. Iba ‘yung intimacy kung dalawa lang kayo.The position is different ,babaguhin mo para maging cinematic ang dating kapag pinanood mo na siya on the big screen.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield