NAKAKAGULAT ANG BIGLANG pagpasok ni Tom Rodriguez sa all male-voice na Voizboys nina Jay-R Siaboc, Guji Lorenzana at Nico Antonio. Wala raw karapatan ang dating Pinoy Big Brother Double Up para mapabilang sa grupo. Hindi naman daw ito singer, ngayon palang ito natutong kumanta.
“Sino ba naman ako para ma-offend, I feel very honor nga. Sa kinalalagyan ko ngayon, masasabi kong sobrang suwerte ko na. Ang mga kasama ko, magagaling. Naiaangat nila ako dahil natuturuan nila ako at natsa-challenge ako na mas pagbutihin ‘yung ginagawa ko. I feel very lucky, that’s the way I see it.”
Maraming nagsasabing saling-pusa lang si Tom sa grupo, comment? “Kung tutuusin, aminado naman po akong parang saling-pusa lang ako. Ginagawa ko ngang joke ‘yun sa group. Wala naman akong pantasya na Superstar, wala naman akong ganito… Sa totoo lang, nu’ng nasa stage ako, bihira akong magsalita dahil takot na takot ako. Kinakabahan ako dahil hindi pa ako sanay. This is a perfect ground na experience. Tinutulungan nila ako, akala nga nila joke, pero totoo ‘yun na talagang nagko-concert ako sa banyo.”
Nag-audition ba si Tom to be part of the Voizboys? “Never, I just painted. Nagpe-paint at drawing lang ako sa buhay ko. Hindi ko alam na puwede pala akong kumanta as a job, ganu’n. Sa ASAP isinasalang lang ako. Kahit papaano, kaya ko namang sumabay sa kanilang kumanta, kahit sa harapan ninyo kakanta ako. Nu’ng nag-recording kami, may coach kung sino ‘yung kakanta nitong part at kung paano ‘yung tono, gina-guide naman kami. Honestly, hindi ako nag-voice lesson kasi walang time…”
Sino kaya kina Jay-R Siaboc, Guji Lorenzana at Nico Antonio na-intimidate si Tom? “Hindi naman ako na-intimidate sa kanila, they are very good. Hindi ako na-intimidate, more on humahanga ako sa kanila. Si Jay- R, grabe ‘yung boses, hangang-hanga ako sa boses ng taong ‘yan. Lahat sila magagaling, imbes na ma-intimidate ako, kinukulit ko na lang sila for tips at buti na lang they are willing to give.”
So, kina-career na ni Tom ang pagiging singer? “Singer and actor as well, kasi pati acting wala rin naman akong experience. Kung sinasabi nilang saling-pusa rin ako sa “Here Comes The Bride” na pamalit kay Derek Ramsey, hindi ako na-offend. Maganda naman ang naging resulta. Maganda ‘yung experience para sa akin, maganda ‘yung mga kasama kong tao. I feel very luck to be part of the movie.
“Sa tingin ko, puwedeng pagsabayin ang singing and acting kasi they are both related sa art, they are both art. Since I was young, nagpi-paint na ako pero nu’ng nag-high school ako, du’n ko na sineryoso. I read books, watch DVDs, I talk to people about it, talagang 14 hours a day I paint. Gusto ko sanang mag-exhibit, concert-live painting, na may kumakanta.”
May bago kaming movie, “Singko” episode na “Mata” under Star Cinema.
Sa takbo ng showbiz career ni Tom, daig pa niya ang Big Winner sa PBB, kabila’t kanan ang project sa Kapamilya network. Nakatakda ring tumulak patungong Japan ang binata para sa MMK with Kaye Abad. “Siguro kaming lahat, may feeling na panalo kami in our own ways. So, in my own way, I feel winner na rin kahit hindi ako nakasali sa Big 5. I’m so lucky. Sa akin, dasal lang at saka pag-igihan ko ‘yung trabaho ko. Hindi ko sasayangin ‘yung opportunity na ibinibigay sa akin, kasi sunud-sunod na ‘yung break. Kung may mangyari na masama sa career ko, nasa akin na ‘yun.”
Sa tingin kaya ni Tom, ‘yung kaguwapuhan niya ang naging daan para lalo siyang sumikat? “No, I don’t think na sa looks, halos lahat naman kami sa PBB may hitsura naman. I think, it’s luck lang talaga, being in the right place at the right time.”
Special someone? “Right now wala, para sa akin it’s unfair na magkaroon ng relationship. Unfair sa sarili mo at sa ibang tao kung hindi mo mabibigyan ng sapat na oras ‘yung relationship ninyo. Ngayon, sunud-sunod ‘yung trabaho, busy talaga ako, kailangan habang nandito pagbutihan ko at seryosohin.”
Ilang beses na nga bang na-in love si Tom? “Na-in love na rin ako, pero hindi ‘yung category na male-level mong in love. Two years ago, when I was in the States, hindi kami nagkatuluyan kasi we’re very young that time, I’m 18 that time. May asawa na siya ngayon and I’m happy for her. Nag-usap naman kami bago kami naghiwalay, kaya we remain friends pa rin. Mahirap maulit ‘yung last one, isa lang ‘yung super serious.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield