Aminado ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez na napag-uusapan na nila ng kanyang girlfriend na si Carla Abellana ang tungkol sa pagpapakasal.
Sign na rin ba para kina Tom at Carla ang back-to-back engagements ng celebrity couples na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff at Billy Crawford at Coleen Garcia?
Kamakailan lang, na-chika ng ilang entertainment press si Tom kung sila ba ni Carla, papunta na rin kaya roon ang pagpapa kasal?
Mabilis na sagot ni Tom: “Definitely, definitely.”
Matagal na rin daw nilang plano ito ni Carla.
Ayon pa kay Tom, “That’s the thing that I was talking about the future.”
Ngayong 2017 ba magaganap ang pagpo-propose ni Tim kay Carla?
“Secret… hehehe! I really wanna make sure that everything is set up. Ipaubaya n’yo muna sa akin. Sa akin na lang muna. But definitely, it’s cooking, it’s there,” pambibitin na tugon ng aktor.
Pahabol na tanong kay tom , Si Carla na ba talaga ang babae para sa kanya?
“Oo naman! Meron pa bang iba? Kayo talaga!” Sabay tawa pa ni Tom.
Sa True Lang
by Throy Catan