AFTER THE successful team-up nina Carla Abellana at Tom Rodriguez in the phenomenal drama series My Husband’s Lover, they once again charm the televison screen through My Destiny ng GMA-7.
Marami ang nagsasabi na baka ma-develop into something beautiful ang friendship na mayroon sina Tom at Carla habang ginagawa nila ang nasabing drama series. Ngayon pang pareho silang single, posible raw ayon kay Tom. Saka na lang daw niya poproblemahin kapag dumating na ‘yun. Focus muna siya sa trabaho saka na ang mga bagay na ‘yun.
Maugong ang balitang si Tom daw ang nakipag-break sa kanyang girlfriend dahil may third party. “Sa lahat naman ng break-up, ang relationship always two way. I can honestly say, I did everything I could. As I said, out of respect na lang. Hindi namin pinag-usapan ang relationship namin habang may relasyon kami. Kaya ayaw kong pag-usapan sana, mas lalo ngayon na wala na kami. Kung sakaling may magsasalita man, it’s other people, other party would like to speak-up, it’s their right. Pero for me na lang, siguro I just would like to give my respect na lang. No third party, I could attest to that. I swear to God,” paliwanag ng actor.
Parehong single ngayon sina Tom at Carla, naniniwala kaya ang actor na baka destiny niyang maging girlfriend ang kanyang leading lady? “Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako makapagsasalita nang tapos. Hindi natin alam kung ano’ng posibleng mangyari. Mahirap magsabi ng hindi, mahirap magsabi ng oo. Alam ko lang for now, we’re enjoying to work with our friendship. Pero may posibilidad talaga. Anything is possible. When love comes, you can’t deny it.
“Ngayon lumalalim ang pagkakaibigan namin ni Carla. Pero when it’s come to love, wala pa du’n, wala talaga. Tadhana lang ang nakaaalam… tignan natin. Sa trabaho lang kami nagkikita, wala kaming inililihim. Kapag dumating ‘yun, saka ko na poproblemahin. Trabaho muna tayo, enjoy lang. Tignan natin, sa ngayon wala talaga.”
Maraming hirap at sakrspisyo ang pinagdaanan ni Tom bago niya narating ang kasikatang mayroon siya ngayon. Through experience in life, ginagamit niya ito para maging isang magaling na actor.
“Siguro sa mga pinagdaan ko sa buhay, like everyone else… normal lang ako. When I was in the States, ako ‘yung panganay sa aming lahat. Gusto kong tumayo, at least makapag-provide sa family ko, maging padre de pamilia one day. I wanted to learn the skills. Nag-move-out ako sa bahay namin when I was 18 years old para matuto ng skills na ‘yun. Hindi naging madali, may mga times na nagugutom ka.
“Kahit itong pagpunta ko sa Pilipinas is a big adventure. Coming here na mag-isa lang ako, hindi rin naging madali para sa akin. Ilang beses ko nang gustong mag-give-up. Du’n ko Siya naramdaman, lalong naniwala. Sa kanya ako nagtiwala, sa Diyos. Nang dahil sa Kanya, sa paniniwala, pananalig, may moments talaga na iniisip mo, nagdarasal ako lagi. Lord, tama ba itong ginagawa ko? Tama po ba kung nasaan ako ngayon? Kasi ‘yung hirap ko, bigla siyang magbibigay ng sign, bigla siyang magpaparamdam. Kunwari, hindi ka makapagbabayad ng renta, biglang may tseke ka pala na hindi mo namalayan. Pagpunta mo sa cashier, mayroon pala du’n, sakto may pambayad ka na ng renta. Lagi niyang ginagawa ‘yun, until now. Kaya kung may nangyaring may project kang hindi mo nakuha, dati dinadamdam mo. Parte pala ‘yun ng plano niya dahil mas may magandang blessing pa siyang nakalaan na para sa ‘yo,” kuwento ni Tom.
Nahirapang mag-adjust si Tom sa bago niyang character as Lucas Matthew Andrada, medical student.
“Of course, mahirap. What can I do? The only thing I can do, I’ll do my best sa trabahong ginagawa ko. Constructive criticism, it helps a lot, kailangang maging objective ka rin sa work mo. Kahit masakit, kung constructive naman, kailangang pakinggan mo, para hindi makaapekto sa trabaho mo,” aniya.
Naging bukam-bibig ang pangalan ni Tom sa mga young star natin na gusto siyang maging leading man.
“Flattered ako na gusto nila akong makatrabaho. Wow naman! Hindi ko alam na may ganyan. Sa akin, always welcome kung sino ang gusto ng management na makapareha ko, kahit sinong actress willing akong makatrabaho sila.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield