SA IKATLONG pagkakataon, muling magtatambal sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ito ay sa pinakabagong soap ng GMA 7 na My Destiny.
Naunang nagkasama ang dalawa sa My Husband’s Lover. Kasunod nito ay pagiging magkapareha rin nila sa kapalalabas na pelikulang So It’s You.
“Excited na excited ako,” masiglang pahayag ni Tom nang makausap namin kamakailan sa kanilang meet and greet event para sa mga miyembro ng fans club nilang TomCarl Worldwide at Tom Lovers.
“I’m so happy and excited to be working with Carla again. Kasi halos isang taon na kaming nagkakatrabaho. Kaya… at least sanay na sanay na kami sa isa’t isa. Komportable na kami.
“May na-established na kaming chemistry at saka rapport sa isa’t isa. Excited kami na laging may naibabahagi sa mga manonood. No’ng nalaman ko na kami ulit ni Carla ang magkapareha sa isang bagong soap, natuwa ako.
“Kagaya nga ng nasabi ko, halos isang taon na kaming nagkakatrabaho. Mula sa My Husband’s Lover, tapos sa U.S. tour naming, at sa ginawa naming pelikulang So It’s You. Kaya may na-establish na kaming parang ano… friendship. Mas madali na for us to work with each other.
“Hindi na naming kailangang kilalanin pa ang isa’t isa kaya puwedeng diretso trabaho na kami kaagad. Wala nang adjustment period. Kaya pabor sa amin ‘yon. At saka sobrang sayang katrabaho si Carla. One of the best people I’ve ever worked with.”
Naging matagumpay at tumatak sa viewers ang my Husband’s Lover na unang pinagsamahan nila ni Carla with Dennis Trillo. Aminado si Tom na may pressure ang muling pagtatambal nila ngayon sa bagong soap na My Destiny?
“Hindi mawawala ‘yon. Kagaya ng nasabi ko, My Husband’s Lover is a one of a kind show. Mahirap pantayan. Pero kung iyon ang laging iisipin mo, siguro maling atake ‘yon. So, ‘yong ginagawa ko naman, just like with every project e, tinitingnan ko ‘yong materyal.
“And I really try to immerse myself do’n sa materyal… do’n sa role. At do’n ako nagpu-focus. At siyempe, kapag nalaman ko na ang buong detalye ng kuwento, gusto kong paghandaan din. Kaya sana magkaroon ng sapat na oras. Mag-i-start na kami kaagad, e. E, may mga out of the country akong gagawin. Aalis ako papuntang New York. Kaya sana makita ko agad ‘yong script para makapag-reasearch.”
Bukod sa kanyang trip to New York, sa July ay sa London naman siya pupunta kasama si Dennis Trillo.
“Ang sarap ng feeling. First time ko na makaka-travel sa Europe. ‘Yong sa New York, pangalawa ko na. Dahil sa GMA, nakakapag-travel ako. Nakakapunta ako ng iba’t ibang lugar. Minsan nakikita ko pa ‘yong pamilya ko sa States. Kaya… ang sarap!”
Isa pang ikinatutuwa raw ni Tom ay ang nakatakdang pagpapalabas din sa New York ng pelikulang So It’s You na pinagtambalan din nila ni Carla.
“Magkakaroon ng special screening doon. Hindi ko pa lang alam ang details. At sana magkaroon pa ito ng iba pang screenings all over the U.S. at isa iba pang countries. Para marami sa mga kababayan natin abroad ang magkaroon ng chance na mapanood ito.”
Masaya rin daw si Tom na siya ang napiling mag-interpret ng kantang Langit Ay Umaawit na isa sa mga entries sa Phil Pop Music Festival. Isinulat ito ng composer na si Toto Sorioso.
“I feel so honored na ako ang napili na i-interpret ‘yong entry niya rito sa Philpop. I’m excited na marinig ng lahat ‘yong song. Isang napaka-uplifting at napakasarap pakinggan para sa puso. Kaya happy na ako na maging interpreter ng song na ito.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan