TOMCAR IS BACK on Primetime! Matagal-tagal na rin natin hindi napapanood in any TV or movie project ang ‘reel’ turned ‘real’ life sweethearts na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana o TomCar. Nag-umpisa ang kanilang love story nang pagsamahin sila sa groundbreaking LGBT drama series na ‘My Husband’s Lover’. Kahit hindi sila ang nagkatuluyan sa teleserye, in real life naman ay si Carla ang nanalo sa puso ni Tom. Awwww!
This time, the two Kapuso Prime Talents are back in the family drama series ‘Love of my Life’ with Coney Reyes, Rhian Ramos and Mikael Daez. Kuwento ito ng mag-asawa na parehong may anak in previous marriages. Unfortunately, nagkaroon ng terminal sickness ang karakter ni Tom at doon na mag-uumpisa lahat ng problema.
Ang drama noh? Well, hindi naman talaga ‘yan ang landas na gusto namin tahakin sa artikulong ito. What we really want to do is reminisce some of TomCar’s memorable projects dahil na-miss din namin sila ng bonggang-bongga! Are you ready?
5. No Boyfriend Since Birth
Directed by Jose Javier Reyes, ang romance-comedy na ito ang ikalawang pelikula ng TomCar. Tungkol ito sa babaeng idealistic pagdating sa love. Sa sobrang pagka-idealistic na ay tumanda na ito at nganga pa rin. One day, makikita niya muli ang kanyang high school crush at alam niyo na kung ano ang ending.
Kahit predictable ang kuwento, dito mas napatunayan na Carla Abellana has what it takes to be a romcom princess. During that time kasi ay puro heavy drama ang TV and movie projects ng aktres. By that time naman ay nakagawa na rin ng marka si Tom Rodriguez bilang sexy leading man na nag-umpisa sa pagkakasali niya sa Star Cinema riot comedy na ‘Here Comes the Bride’. Ang nagtataka lang kami ay bakit hindi na nasundan pa ng isa pang proyekto ang TomCar sa Regal Films o iba pang movie outfits? Bakit ang tagal nang walang pelikula ni Carla? Hmmmm…
4. I Heart Davao
The GMA News and Public Affairs produced series focused on Davao City under the direction of Marlon Rivera. Kuwento ito ni Hope (Carla Abellana), isang heart transplant recipient na dumayo sa Davao para salbahin ang kanilang chocolate business. Dito ay makikilala niya si Ponce (Tom Rodriguez), ang ex-boyfriend ng kanyang heart donor at eventually ay titibok muli ang kanyang puso. 40 episodes lang ang palabas, pero hindi maikakaila na marami ang kinilig sa mala-tsokolateng tamis ng pag-iibigan nina Hope at Ponce!
3. My Husband’s Lover
DITO NAG-UMPISA ANG LAHAT. Bagong lipat si Tom Rodriguez sa Kapuso network at binigyan siya ng proyekto na magbabago sa mukha ng Primetime. Ang suwerte din niya dahil dalawang magagaling na artista ang una niyang nakatrabaho – si Dennis Trillo at ang soon-to-be girlfriend na si Carla Abellana.
Naging blessing sa lahat ng cast members ng programa lalo na ng mga bida ang ‘My Husband’s Lover’ dahil sa dami ng recognitions and good reviews ng programa. Marami ang naka-relate at kinilig kina Dennis at Tom lalo na sa mga tender and loving moments nila bilang Eric at Vincent while behind the scenes ay nabubuo na rin ang love story nina Tom and Carla na until now ay tuloy-tuloy pa rin! Now that’s love!
2. My Destiny
Dahil sa tagumpay ng ‘My Husband’s Lover’, nabigyan din ng pagkakataon sina Tom at Carla na i-push na ng bonggang-bongga ang tambalan nila with the romance TV series na ‘My Destiny’. Kahit naging mabigat eventually ang daloy ng kuwento ng programa, dito naman mas naging solid ang pagsasama nila. Dito rin nila unang nakatrabaho si Rhian Ramos na kasama rin nila ngayon sa Love of my Life. Talk about a dramatic reunion!
1. So It’s You
The first and our favorite TomCar Movie! Aliw na aliw kami sa pelikulang ito na mula sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana. Lumabas ang pagkakikay ni Carla dito bilang Lira. Nakakaaliw ang over-the-top na pagiging fashionista ni Lira na umaasa pa rin na magkakabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na ikakasal na. Makikilala niya ang isang shoemaker na si Goryo sa Baguio at dito mag-uumpisa ang kanilang kunwariang pag-ibig na nauwi sa totohanan… kahit sa totoong buhay!
Solid TomCar fan ka ba? Nakakamiss din talaga ang tambalan nila, noh? Nakakaaliw dahil from onscreen tandem ay mukhang didiretso na sa simbahan soon! Tom and Carla are happy na matatawag na nila ag isa’t isa na kanilang ‘love of my life’.
What are your favorite TomCar moments?