GRABE TALAGA! Damang-dama ang pakikisaya ng mga manonood sa buong bansa sa kasalan nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) sa A Love To Last pagkatapos nitong pumalo sa panibagong all-time high national TV rating nito noong last Friday at naging top trending topic pa sa social media.
Kinakiligan din ang mga pangyayari sa tinaguriang ‘wedding of a lifetime’ sa telebisyon kaya naman nakakuha ang serye ng national TV rating na 24.3% mula sa pinagsamang urban at rural homes, kumpara sa 12.8% ng kalabang programa, ayon sa datos ng Kantar Media.
Patok ang kasalan sa netizens na ibinahagi kung paano sila na-touch at na-inspire ng naturang kasalan. Umani ito ng maraming papuri online kaya naman trending sa Twitter ang official hashtag ng programa na #ALTLTheWedding.
“Kudos to ALTL sa pagpapaalala sa amin ng halaga ng pamilya at ng pagpapanatili ng tradisyon. Ang programang ito ay para sa lahat. Marami kaming natututunan,” sabi ni @Leanna_Yzabelle.
Pahayag naman ni @conermata101, “TonDeng wedding is such a goal. Hindi talaga mahalaga ang edad.”
“The wedding is so realistic and heart felt. Grabe ang kilig full of love, hands up to all who made this episode,” saad ni @alovetolastfans.
Inaabangan naman ngayon ng televiewers kung ano ang mangyayari sa honeymoon nina Bea at Ian.
La Boka
by Leo Bukas