HINDI LANG isang magaling na artista-TV Host si Toni Gonzaga kundi isang magaling din siyang negosyante.
Yes, yong kanilang chilled drink na ang na may outlet na matatagpuan sa gilid ng ABS-CBN compound along Mother Ignacia Street sa Quezon City ang unang salvo ni Toni with sister Alex Gonzaga sa negosyo (as far as we know pero I’m sure meron pang iba na hindi lang natin alam).
On opening day pa lang, pila-balde na ang mga tao na gusto tikman ang kanilang concocted drinks na sila mismong magkapatid ang super sipag mag-promote.
For the Christmas Season 2018, Toni goes solo as a film producer with a movie project na Mary Marry Me na pelikula nila magkapatid with Sam Milby.
Sa movie, artista lang si Alex. Si Toni ang hands-on sa patakbo ng pelikula as film producer and financier.
Noong una, dapat ipo-produce ang pelikula under Ten17P film outfit ng mister ni Toni na si Direk Paul Soriano but after assessing the film content, hindi swak sa concept at trust ng Ten17P ang pelikula ni Toni kaya better, para maisakatuparan ang project ay nagbuo si Toni ng sarili niyang produksyon but still with the guidance of her husband na bihasa na sa film production.
Bongga ang unang pelikula dahil after 10 years ay muli magsasama sina Toni at si Sam na ang last team-up nila sa big screen was in 2008 via My Big Love. First time din nila ng kapatid niya na si Alex na magkasama sa pelikula at higit sa lahat, mga bigating mga komedyante ang makakasama nila sa pelikula with the likes of Bayani Agbayani, Moi Bien and Melai Cantiveros.
Sa darating na Martes, December 25, Christmas Day ang simula ng showing ng pelikula bilang bahagi Metro Manila Film Festival 2018.
Reyted K
By RK Villacorta