TONI GONZAGA AT MARIEL RODRIGUEZ, NAGKAKAILANGAN PA?

ILANG BESES NA palang inoperan ng Kapamilya network si Toni na mag-host ng isang noontime show.

“Sobra lang akong na-excite sa idea na may offer uli sa akin mag-noontime, kasi ilang beses na rin akong tumanggi. Tapos nu’ng sinabi na kasama nga ako, mahirap nang tumanggi, six years na rin naman ang lumipas. That time, hindi pa ako ready dahil galing ako sa kabilang istasyon bilang co-host.

“Sinabi pa sa akin, kasama ko si Mariel (Rodriguez). Si Mariel naman, setting aside kung anuman ‘yung pinagdaanan namin. We’ve been together six years already, so, ‘yung chemistry namin nabuo na. Hindi ko na makukuha ‘yun sa ibang host. ‘Yung mayroon kami on screen buo na ‘yun so, ang sarap ng feeling na you have someone like Mariel,” sey ni Toni.

Awkward ba nu’ng time na magkita sila uli?

“First meeting namin, sobrang ilang talaga. Mayroon pa kaming eksenang, ‘Hi! Sino ‘yang bago mong kasama?’ Pa-kiyeme lang ‘yun, 6 months ba naman kayong hindi nagkita,” wika ni Toni.

“Awkward, talaga kasi, how do you open naman? Kahit sinong taong matagal mong hindi nakita hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo, ‘di ba?” sambit naman ni Mariel.

Para kina Toni at Mariel, alin ang mas matimbang, love or friendship?

“Magkaibang level ‘yan. Matimbang pareho sa puso mo. It’s a matter how you ba-lance it. Pero I think, sa isang tao napakaimportante kung papaano mo iha-handle ang lahat ng relationship na mayroon ka. ‘Yung love, ‘yung friendship or sa co-workers mo. So, nasa tao ‘yun kung papaano ibabalanse ang lahat. Siyempre, importante lahat ‘yun, hindi puwedeng isa lang. Dapat ma-balance mo nang maayos ‘yan,” paliwanag ni Toni.

Singit naman ni Mariel, “Hindi naman dapat kailangan na may mas matimbang. At saka, dapat ‘yung romantic love mo dapat may friendship din kayo nu’n. Ang friendship nand’yan lang, gano’n ‘yun, lalo na if you really want it to work, mag-effort ka! Siguro the only relationship na dapat is the relationship with God.”

NGAYONG FRIENDS NA uli sina Toni at Mariel, may mga bagay bang dapat silang gawin para maiwasan at maging solid ang kanilang pagkakaibigan ?

“Of course, like what Mariel said, there are learnings na binaon namin. We both realize, it’s not how perfect your friendship is. It’s about, how you work on it. It’s a working process everyday, as long as both parties work hard on it,” say ni Toni.

Lesson that you learn from that experience?

“Ako, it’s very important to reachout and communicate. Lahat talaga puwede mong maayos sa tamang pag-uusap,” sagot ni Mariel.

Bumalik na kaya ang friendship nina Toni at Mariel?

“Kung anuman kami ngayon ‘yun ang nararamdaman namin. Ito ‘yung natural, hindi ko siya mini-measure na mas close kami dati, share kami. Hindi siya pinaplano, nagkakaroon siya ng tamang panahon,” tugon ni Mariel

“Ako, ang feeling ko kasi, when you experience a storm, tapos, in a friendship or on the road. Tapos magsisimula kayo uli, you take one step at the time. Hindi siya pini-pilit,” say naman ni Toni.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleZANJOE MARUDO, ALJUR ABRENICA, AT JC DE VERA: MGA BANO SA AKTING!
Next articleMAY INDIE MOVIE KASI… DEMANDA KUNO NG TV HOST COMEDIAN SA ISANG REPORTER, GIMIK NA NAMAN!

No posts to display