IPINALABAS KAMAKAILAN SA The Buzz ang fearless forecast na may matatanggap daw na wedding proposal si Toni Gonzaga ngayong taon, pero nasa sa kanya ‘yon kung tatanggapin niya. Alam naman natin na sa kanyang longtime boyfriend na si Direk Paul Soriano ito manggagaling. Abangan na lang natin kung may maririnig nga tayong wedding bells mula sa dalawa this year.
In the meantime, nakakatuwa naman si Mr. Carlito Gonzaga, ang daddy ni Toni, dahil sa pagiging very open nito sa pagsasabing botong-boto siya kay Paul para sa kanyang anak.
According to an article posted on abs-cbnNEWS.com, sa isang interview ni Mr. Gonzaga during Toni’s 27th birthday celebration, that he prays na magka-tuluyan ang dalawa. Sana raw ay maging maaliwalas ang hinaharap nina Toni at Direk Paul.
Siyempre, masayang-masaya si Toni sa sinabi ng kanyang daddy. Binuking niya naman ang ama na inabot daw ito ng apat na taon bago nasabi sa publiko na boto siya kay Direk Paul.
“Alam n’yo, i-share ko na nga, inabot ng apat na taon bago sinabi ng daddy ko ‘yan. Siguro, three years na pinaghirapan ni Paul na makuha ‘yung ganoong trust at pagmamahal ng daddy ko para masabi niyang approve na siya. Kasi, hindi ba, ang lahat naman ng mga daddy parang hirap na hirap silang tanggapin ‘yung lovelife ng anak nila na dalaga na? So ngayon, medyo natatanggap na ng daddy ko, at para sabihin ng daddy ko, natutuwa ako,” sabi pa ni Toni.
Hindi maiaalis sa daddy ni Toni kung ngayon lang niya nasabi na boto siya kay Direk Paul. The father is usually the first man in a little girl’s life, kaya naman siguro may mga amang nahihirapan talagang tanggapin na ang kanilang dalaga ay may boyfriend na o malapit nang mag-asawa.
Naalala ko tuloy ang comedy film na Father of The Bride starring Steve Martin. Sa pelikula, he played ‘George Banks’ whose daughter ‘Annie’ (Kimberly Williams) decided to marry her boyfriend. Sa una ay hindi niya maubos-maisip kung paano ang kanyang magiging buhay without his daughter who he still sees as a young girl, pero in the end he realized that she has already grown up.
Pero kahit approve ang kanyang daddy sa kani-lang relasyon, hindi pa raw magpapakasal sina Toni at Direk Paul. They still have to wait for three years before getting married.
“Alam ni Paul ang ideal time ko. Ang ideal age of marriage ko is 30. Kasi, by that time, na-enjoy ko na lahat ng mga leading man ko, charos! Na-enjoy ko na lahat ng trabaho sa industriya. Sampung taon na ako sa showbiz.
“Para sa akin, napakasarap ng pakiramdam na magtagal ng ganoon dito sa industriya na ito. And given this opportunity and chance, I would like to stay longer. Ang sabi ko, ang trabaho ay minsan lang dumating pero ang pag-aasawa ay anytime naman ‘yan, ‘di ba?” paliwanag ni Toni.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda