WHAT HAPPENS if you put Toni Gonzaga and Vice Ganda together in one film? Tiyak na super riot at puno ng katatawanan ang resulta ng kanilang tambalan. Kasaluku-yang gumagawa sila ng pelikula at tulad ng inaasahan, enjoy ang lahat sa set.
Kuwento ni Toni, “Ang saya-saya. Wala kaming sayang na araw sa shooting kasi puro tawa. Actually, minsan nga napagalitan kami kasi hindi kami makapag-take ni Vice kasi si Vice ‘pag tumingin lang, natatawa ako. Natatawa kami lagi sa isa’t isa.”
Hindi nga naman problema ang pagpapatawa sa kanilang dalawa. Isang magaling na komedyante si Vice na pinatunayan niya sa pelikulang The Unkabogable Praybeyt Benjamin na pumatok nang husto sa takilya samantalang magaling din sa comedy si Toni. Natural, may timing, at hindi pilit ang kanyang pagpapatawa tulad ng ipinakita niya sa D’Anothers, You Are the One, My Big Love, Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round, at My Amnesia Girl.
Magaan at masaya ang trabaho para sa kanilang dalawa because they are close friends in real life. They have known each other for several years. Bago pa lang si Vice noon sa industriya nang una silang magkatrabaho at magpahanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila.
Ayon sa artikulo ni Bernie Franco sa Push.com.ph, sinabi ni Toni na walang double effort sa parte niya na makipagsabayan kay Vice. “Wala namang double effort. I think sa isang pelikula, all you have to really do is know your character and alamin mo lang kung hanggang saan ka. Hindi p’wedeng magsapawan, eh. ‘Pag may moment si Vice, ibinibigay ko talaga sa kanya. Kung iyon ang eksena niya, eksena niya talaga iyon. ‘Ando’n ako para sumuporta. Gan’un din naman siya, ‘pag may eksena ako, sumusuporta rin siya (sa akin).”
Ngayon pa lang ay natitiyak ko nang kapag ipinalabas na ang pelikula sa mga sinehan ay papatok ito nang husto sa takilya at iiyak ang lahat ng manonood sa katatawa.
Kaibigan, usap tayo muli
Points of Boy
by Boy Abunda