PARA SA mga OG o Original KMovie and KDrama fans, mananatiling iconic ang romance-comedy film na ‘My Sassy Girl‘. Ito ay pinagbidahan nina Jun Ji-hyun at Cha Tae-hyun noong 2001. Kung tatanungin mo ang mga Pinoy na nahihilig sa anything Korean, malamang ay ang ‘My Sassy Girl’ ang kauna-unahang Korean movie na napanood nila.
Sa wakas ay magkakaroon na ng Philippine adaptation ang iconic film na ito twenty years pagkatapos ipalabas ang original. Ang napili para gumanap ay walang iba kundi ang isa sa pinakamamahal na romcom queen ng bansa na si Toni Gonzaga.
Narito ang post ng TinCan Films, ang producers ng pelikula.
“In celebration of its 20th Anniversary, this year we will relive the classic Korean RomCom with its Philippine adaptation. On her birthday, we are proud to announce Toni Gonzaga is Philippines’ My Sassy Girl. #MySassyGirlPH”
Hindi man nila direktang kinukumpirma, mukhang ang Kapamilya comedian na si Pepe Herrera ang gaganap na leading man ni Toni sa pelikula. Bago ang kumbinasyon na ito kaya naman exciting din kung ano ang magiging outcome ng grand project na ito.
Personally, excited kami para kay Toni Gonzaga dahil noong ito’y nasa GMA-7 pa lamang ay may mga fans na ito na nagsasabing bet nila na makita si Toni na gawin ang Philippine adaptation ng My Sassy Girl. Magegets ng mga nakapanood ng original film kung bakit swak na swak kay Toni ang role na ito ay kahit na sabihin pa ng ilan na parang ‘too old’ na for the role ang aktres, based naman sa still photos ay mukhang kering-keri pa rin niya ang look na siya’y in her early 20’s pa rin.
Goodluck to Toni and Pepe for this bonggang project! This is something to look forward to!
Sa mga curious, narito ang trailer ng original ‘My Sassy Girl’ na nagkaroon din ng US remake noong 2008.