NAKITA NAMIN nu’ng Sabado de Gloria (April 4) kung paano pilahan ng mga tao ang pelikulang You’re My Boss na pinagbibidahan sa kauna-unahang pagkakataon nina Toni Gonzaga at Coco Martin. Second screening pa lang sa SM North EDSA at sa Trinoma, pero napakahaba na ng pila ng mga gustong manood. Type sana naming mapanood ang movie, pero hindi na kami sumabay sa sobrang dami ng tao, huh!
Sa description ng mga taga-Star Cinema like Mico del Rosario and Roxy Liquigan, super-blockbuster ang You’re My Boss na ipinalabas din nationwide. Hindi rin nakaapekto ang bagyong Chedeng sa showing ng movie dahil humina na ito. Nawala tuloy ang worry kina Coco at Toni na makaapekto sa pelikula si Chedeng.
Hindi pa naglalabas ng figure ang Star Cinema kung magkano ang kinita ng first day ng You’re My Boss, pero sa tantya ng marami, baka umabot ito nang halos P20 million plus na bonggang-bongga para sa opening gross ng isang pelikula.
Dahil sa success ng Toni-Coco movie, pinatunayan ng Star Cinema na kahit hindi datihang magka-loveteam o first-timer pa lang na magsama sa isang movie, basta maganda ang material at istorya ay talagang papatok ang pelikula. Dapat ding bigyan ng credit siyempre si Direk Antoinette Jadaone na pinagkatiwalaan ng Star Cinema for the said project.
Si Direk Antoinette ang direktor ng hugot movie na That Thing Called Tadhana na pinagbidahan nina JM de Guzman at Angelica Panganiban na kumita ng more than P100 million.
La Boka
by Leo Bukas