KULANG SA YABANG si Toni Gonzaga, kaya’t ang spokesperson na lang niyang si Wendell Alvarez ang gumagawa nito para sa kanya.
Unang-una, gustong pasalamatan ni Toni ang bagong PBB (Double UP) loveteam na sina Melai (Melissa Cantiveros) at Jason (Francisco) sa pag-guest nito sa concert niyang “Love Is… Toni Gonzaga” na ginanap for two nights sa Music Museum. Successful ang two-night concert na iyon, mind you.
Naging madali ang pagkaray niya sa mga ito dahil, “kapatid” niya sina Melai at Jason sa PBB. Hindi lang siya host ng PBB, kundi dating housemate din.
Si Pokwang kasi, kahit nauna siyang nang-imbita sa loveteam ay sobrang adel (as in adelantada) sa pag-iimbita. Kung ngayon gabing tinanghal na big winner at 2nd runner up sina Melai at Jason, kinabukasan agad ang imbitasyon niya. As if ganu’n kadaling karayin ang bagong winners, you know. Konting delikadesa sana. Dumaan muna sana siya sa PBB big boss, por respeto man lang. Hindi naman kasama sa negosyo ‘yung kapag sinasabi ng madlang pipol na para silang mag-ina ni Melai, eh, passport na iyon para ma-prioritize ang kanyang imbitasyon.
Teka, teka, naligaw yata ang topic natin.
Basta, natuklasan ni Toni na gayun na lang ang kasikatan ng love team dahil masigabong palakpakan ang salubong sa guests niya, kahit in short notice ang appearance nila sa concert ni Toni.
Hindi rin nahirapan si Toni na imbitahan si Sam Milby, dahil alam n’yo na, silang dalawa ang unang nakilalang love team kaysa kina Sam at Anne (Curtis). Siyempre, may sentimental value ang naudlot nilang tambalan. At may sarili rin silang following, tulad nina Melai at Jason.
Ang magandang segue ni Wendell ay ang napipintong bagong concert ni Toni. Na-inspire nga sa tagumpay ng “Love Is…” may target na guests uli si Toni. Ang bagong leading man niya sa isang movie, si Robin Padilla, no less.
Dahil mahiyain (bukod sa kulang sa yabang) si Toni, I’m sure na si Wendell uli ang gagawa nito, para sa kanya. I’m sure, pangalan lang ni Toni ay nanginginig pang magpapaunlak si Robin.
Posibleng paglabas ng column na ito, naganap na ang first day shoot ng Robin-Toni movie.
NAG-APOLOGIZE NA RAW ang manager (dito sa ‘Pinas) ng Jabbawockeez kay Jed Madela. Buti naman.
Sa last appearance kasi ng grupo sa ASAP XV, binitbit ng dalawang bodyguards ang international singer (si Jed) para maialis sa daraanan ng Jabbawockeez.
Tinawag na daw kasi ang mga ito para sa kanilang dance number on stage. Mahilig kasing tumakbo (akala mo may humahabol) ang grupo when they are called. At iyon nga, dahil nasa daraanan ng mga ito sina Jed at iba pang artists, si Jed, among others ang nabitbit nila.
As if ang grupo ang star of the show, na kailangang umalis ang lahat sa daraanan nila, at the mention of their names.
Nagimbal ang lahat ng nakakita sa dalawang bodyguards. Kung higit sa dalawa pa siguro sila, posibleng hindi lang si Jed ang binitbit ng mga ito, kundi lahat ng sikat na artists na nakatayo sa lugar na iyon.
The height ng kayabangan ng grupo, eh, hindi man lang sila nag-sorry kay Jed, after their number. Kung hindi pa sila ineskandalo sa TV hindi pa malalaman ng madlang pipol ang kagaspangan ng kanilang ugali.
It took their manager (dito sa ‘Pinas) to do it for them. I’m sure, walang pakialam ang grupo sa inasal nila.
Tiyak na hindi na muli pang iimbitahan ng network ang magagaspang na imports. Mabuti naman at nakaalis na sila ng bansa.
Sa totoo lang, noong first appearance nila sa ASAP, pinagkalumpunan sila ng mga dance group natin, pati dance instructors. Hoping na kagila-gilalas ang magiging performance nila. Pero, sobra silang na-dissapoint. Lumang steps ang nakita sa kanila. Mga dance steps na panahon pa ni Mahoma nang gawin ng local dancers natin. Kay Vhong Navarro pa lang at sa ASAP XV dancers, panis na sila.
BULL Chit!
by Chit Ramos