HALO-HALO ANG reaksiyon ng mga netizens sa naging klase ng hosting ni Toni Gonzaga sa nakaraang BB. Pilipinas Pageant. Lalo nang uminit ang debate sa social media nang mag-post din ng kanyang opinyon sa facebook ang dating beauty queen na si Nina Ricci Alagao.
Umani ng batikos si Toni, dahil “binastos” daw nito ang mga kandidata at ginawang katatawanan. Maging ang pageant mismo ay nakalimutan ni Toni na isang prestigious event.
Umani ng bashers si Toni, pero to the rescue rin ang mga nakauunawa ng hosting ni Toni, lalo na siyempre ang kanyang mga tagahanga na niresbakan si Nina.
Na eventually, itong si Nina ay tinanggal ang naunang post at nag-apologize sa mga na-offend niya. Which for us is a nice gesture.
Me mga pumupuri naman kay Toni, dahil hindi raw naging boring ang pageant. Pero karamihan ng mga nagrereklamo sa hosting style that night ni Toni ay ang mahihilig manood ng beauty pageant, lalo na ang mga direktang involved sa mga ganitong klaseng event.
Hindi nila maintindihan si Toni kumbakit pang-comedy bar ang ginawa niyang hosting.
Walang hindi magandang opinyon sa may-ari ng opinyon. Unless, aminin mong mali ang opinyon, doon lang titigil ang diskusyon.
Eh, lahat naman ng tao, may opinyon, eh. May nagsasabing okray ang hosting ni Toni, meron ding okay. So, halo naman ‘yan.
Saka for all we know, sa ginawa ni Toni ay lalong naging interesado ang mga tao sa panonood ng beauty pageant.
Ang nakakalokah, dahil ginawang “comedy bar” daw ni Toni ang naturang prestigious event, bakit gano’n?
Ang sabi ng iba, ba’t si Xian Lim, ginawa naman nang tama ang pag-e-emcee ng pageant, pero kokonti ang nakapansin?
Tapos, si Toni na nagpatawa (na feeling ng iba’y naka-offend ng mga kandidata at hindi bagay sa okasyon), pinag-usapan?
At tamang-tama. Showing na sa April 4 ang You’re My Boss nila ni Coco Martin, so let’s see kung makatulong ang isyung ito sa box-office results.
Oh My G!
by Ogie Diaz