Inamin na rin finally ni Toni Gonzaga sa lahat na buntis siya at ang pagbubulgar ay naganap sa ASAP.
Kinanta muna ni Toni ang “Baby, Now That I Found You” at pagkatapos ay in-interview na siya ng mga co-host sa show na sina Luis Manzano, Alex Gonzaga, at Piolo Pascual.
Bungad ni Toni Gonzaga, “Alam ninyo, Kapamilya, espesyal po sa puso ko ang ASAP kasi 2004 nang una akong ini-launch bilang Kapamilya, dito ko ‘yun ginawa sa ASAP, first birthday ko rito sa ABS-CBN, dito ko rin sinelebreyt sa ASAP, first album ko, first movie, and ‘yung first time na sinelebreyt ‘yung engagement ko, dito ko rin po ginawa. And then, nu’ng ikakasal ako, dito ko rin in-announce.”
At kasunod nga nito ay ang announcement ng kanyang pagbubuntis.
“I’m so happy that finally, our love story ay nagbunga na and yes, God finally opened my womb and I’m expecting my first child,” say ni Toni.
Tapos ay ipinakita sa screen ang ultrasound ng magiging baby nila ni Paul Soriano na hindi pa alam kung ano ang gender.
Tanong ni Luis kung kailan nito natuklasan at kung sino ang una niyang sinabihan.
“I’m so happy na kasama ko sa stage si Alex kaya siya ang unang nakaalam sa lahat.
“Anong gagawin ko,” sabi niya. “OA mo, anong gagawin mo?”
Pinasalamatan ni Toni ang kapatid dahil habang lumalaki raw sila ay parang naging training ground niya ang pag-aalaga kay Alex.
Biro tuloy ni Piolo, “Bakit hindi mo napalaki nang maayos si Alex?”
Kaagad na sagot naman ni Toni, “Kaya nga, eh. Baka mauna pang mag-mature ang anak ko kaysa sa kanya. Huwag naman sana.”
Sabi pa ni Toni, “It took me sometime to admit kasi I was waiting for my doctor’s approval na it’s a go na I can finally say that… I’m pregnant.”
TV5, naisahan ng Viva?
DAPAT NA raw magising sa katotohanan ang management ng TV5 na walang maitutulong na pagtaas sa rating ang pagbibigay nito ng kapangyarihan sa Viva.
Bakit kailangan pa raw kunin ang serbisyo ng Viva? Sino na raw ba ang makikinabang? Ang TV5 or ang Viva?
Tingnan mo nga ang ABS-CBN. May iba-ba silang kinuhang maging partner sa entertainment.
‘Di na raw kailangan ng isang may TV network na maki-partner sa isang production na wala namang gagawin kundi isalpak ang mga talent nila para makakuha ng exposure para na rin makilala at tapos, sino ang makikinabang?
Okey na ‘yung dati nilang mga tao na namamahala sa entertainment na empleyado ng network.
Anong nangyari sa ipinagmamalaking malaking maitutulong at aangat na raw ang rating ng network sa mga project ng Viva?
Anong nangyari? ‘Di ba tulad din ng dati na walang nangyari at lalo na sigurong lumaki ang gastos sa production ng network.
Dapat gawin ng TV5, mag-concentrate na lang sa mga project na hindi kailangang malaki ang gastos at magtatag ng sister company tulad ng ABS-CBN na may Dreamscape na siyang namamahala sa mga seryeng ipalalabas at pagdating sa pelikula ay nandiyan ang Star Cinema na laging blockbuster ang bawat movie na gastusan.
Hindi ‘yung kukuha ng partner na nagpo-produce ng pelikula at may mga talent na dapat ipakilala para sa future movie project nila.
Sabi nga sa isang TV network, “Gising!”
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo